ELLIANA'S POV
Natapos na ang lahat ng klase ko ngayong umaga. Nandito ko ngayon sa canteen kasama ang mga kaibigan ko. Wala naman masyadong nangyare sa klase except sa tambak naming Performance task akala ko pa naman eh makakaligtas na ako roon ngayong college nako pero mas mahihirap pa pala ang mga performace task dito. Bukod don inannounce nga din pala na may gaganapin daw na leadership training sa baguio next week kasama ang lahat ng officers each department at being the class president kasama ako ron.Good thing! Kasama din ang mga kaibigan ko dahil nasa class officers din sila. Mga excited na nga kame e!
"Hoy Elliana !Ano ba?Magkwento ka na daliiii!Excited na kameeee!" Sabe ni Ziyah. Akala ko pa naman ay makakaligtas na ko sa topic na to. Muntik na nga kameng mapalabas kanina ng room dahil sa hindi nila maitagong kilig e.
*flashback
"KAYO NA BA?!" Bungad nila saken pag-upo na pag-upo ko sa upuan na nakalaan para saken. Tiningnan ko naman sila ng masama dahil sa ingay nila pero sa halip na tumigil ay naghagikgikan pa sila na parang mga kinikiliti .Halos lahat ng kaklase at maging narin ng prof namin ay nakuha namin ang atensyon.
"Ah eh ma'am. Hehe. P-pasensya na po.S-sorry po ulit at late ako" sabi ko at tinakip ang mahaba kong buhok sa mukha ko upang takpan ang kahihiyan. Jusko! Nakaligtas nga ako sa pagkalate mukang hindi naman ako makakaligtas rito.
"Kayo na nga ba?" Nabalik ang tingin ko sa harap kung san naroon ang aming prof. Nakatingin siya ng masama saken na parang nagsasabe na 'wag kang magkakamali ng sagot ' look.
Napalunok ako bago ako sumagot "Po?Eh h-hindi po ma'am" sabi ko habang nakayuko .
"Buti naman kung ganon." Mahinang sabi ni ma'am pero narinig ko pa din. Ang landi ni ma'am may balak pa atang magkaroon ng Student-Teacher Affair.
"You may now sitdown Ms. Sandoval, at kayo tumahimik na kayo. Kung ayaw niyo , bukas ang pinto makakalabas na kayo" sabi ni prof at bumalik na sa pagtuturo.
*end of flashback
"Hooooooyyy! Earth to Elliana!Whoohooo!" Natigil ako sa pag-iisip ng iwagayway ni Rhiana ang kamay niya sa harapan ng mukha ko. Remember her? Si Rhiana Gene Marquez na pinsan ni Nickolo.
"Ay oh ano ba yun?" Tanong ko. Inirapan naman nila kong lahat. Problema nila?
"Elliana Parang naiwan mo ata kay nickolo ang utak mo" mataray naman na sabi ni quincy.
Quincy Camille Estrera. Isa din siya sa bestfriend ko. Gala yan kaya laging hindi namin madalas nakakasama. Himala nga at nakasama namin siya ngayon. Sa kanya din kame madalas nakikichismis kase chismosa siya . Hahaha!
"Anong naiwan quincy?Sabihin mo puro si nickolo ang laman ng isip niya" Sabe naman ni Ziyah habang sinusundut-sundot pa ang tagiliran ko. Siya kase ang nasa kanan ko. Bale bakante ang kaliwa ko , sila quincy at rhiana naman sa harap namin nakaupo.
"Ang kukulit niyo naman. Hindi nga sabi kame e." Sabi ko matapos simipsip sa aking Zagu.
"Seryoso?Jusko!Ang bagal dumamoves ni insan" sabi ni rhiana na parang disapointed sa pinsan niya. Pinagsasabi ba nila?
"Eh bakit ka nga niya hinatid sa room kanina?Tapos sinundo ka pa niya!" Sabi ni Ziyah na titig na titig sakin at parang interesadong-interesado sa topic namen. Nahotseat nanaman ako ng mga bruhang to >______________<
BINABASA MO ANG
Just A Dream
Teen FictionWhat if you NEED to set someone Free? Someone..Who is very special to you. Someone..to whom you promise to spend your lifetime with. And someone..You can't live without. Are you willing to sacrifice HIM for THEM? Are you going to wake up and accept...