CHAPTER 24

13 2 3
                                    

ELLIANA'S POV

"Okay.Maghanda na kayo pagkatapos ay  bumaba na kayo at magbobonfire na tayo." Sabi ni Ms. Guttierez na siyang nagsisilbing facilitator namen ngayon. Katatapos lang naming kumain at ngayon ay nasa kwarto na para mag-ayus-ayos daw ng kaunti.

"Waaaah!Bes!I'm so excited na talagang magbonfire. What should I wear kaya?" Napatingin naman kame sa kama ni quincy ng at nakita naming halos lahat nb damit niya ay nakalatag sa kama niya.

"Quincy kung makapaghanap ka naman ng damit parang date ang pupuntahan mo ah!" Sermon ko sa kanya. Inirapan naman ako neto. Hahaha! Malamang sabihin nito kj ako.

"Ang kj mo naman elliana!Kelangan kasing hot ng fire ang beauty ko mamaya!Hihihi!"  Sabi nito at tinuon na ang pansin sa paghahanap ng damit. Napailing-iling nalang ako at napatingin kay ziyah na kanina pangkumakain kame tahimik. Nga pala apat-apat ang magkakasama sa isang room kaya magkakasama din kaming apat nila Ziyah, quincy , rhiana and me!


"Wow! May himala!Tumahimik ang isang Ziyah Chatton!" Kunwaring manghang-manghang sabi ko kay ziyah at tumabi sa tabi nito.

Tumawa naman ito pero parang boobs ni Ms. Guttierez. PEKE! "SIRA!"

"Eh bakit ba ang tahimik mo?Naengkanto ka ba ?" Pang-aasar ko sa kanya pero ang totoo pinatatawa ko lang naman siya.

"Wow bes!Makapagsalita ka parang ang tahimik mo ha!Hiyang-hiya naman ako ee!" Ganting sigaw nito saken. Ayan!Bumabalik na ang bungangerang ziyah ! Hahaha!

"Haha!Eh ? So what's the problem nga?Dinaig pa ng nilamukos na papel yang mukha mo e. Lukut na lukot!"

"Eh kasi ano bes. Si ano kase naka---"


"Hey girlss!!!Sunduin ko lang ang prinsesa ko" Lahat naman kame napatingin kay vincent na nakasilip sa pinto namen.

"Sino ba yung prinsesa mo Vincent?Ako ba?" Nang-aasar na sabi ni rhiana at lumapit sa kinaroroonan ni vincent. Tumingin naman siya kay ziyah at parang tinitingnan ang reaksyon nito. Tiningnan ko din si ziyah, Nakatingin lang ito sa pinto at nakataas ang kilay pero namumula naman ang mukha. Ewan ko kung sa galit o kilig.


"Hoy rhiana!Wag kang lumandi kay vincent. Papatulan ka niyan!" Sabi naman ni Ziyah at pumasok sa loob ng cr.


"Ay walk-out. Hahaha!" Sabi naman ni rhiana. Siraulo talaga to!Tinawanan pa !Natawa din tuloy ako. Haha!

"Oy. Tinawanan mo pa Si ziyah. Hahaha" sita ko sa kanya.

"Parang siya di tumawa." Napatingin naman ako sa nagsalita. Nakita ko naman ang nakabusargang nguso ni nickolo. Leche siya!

"Di kita kinakausap!Epal ka talaga eh no!?" Singhal ko sa kanya.ngayon ko lang siya napansin. Sabagay. Di naman kase kapansin-pansin ang ganyang itsura. Mana pa kung si drake siya eh!


"Tss. Sabihin mo bitter ka kase di natuloy yung lampungan niyo ni drake" Literal naman na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Walang modo!Takte!Gusto ko siyang sakalin!!!



"Waaaah bes!Nakipaglampungan kana kay Drake. Yiiie!Dream come tr--" Binatukan ko na si rhiana bago pa niya matapos ang sasabihin niya. Ghad!pagbuhulin ko kaya silang magpinsan.



"Nag-uusap lang kame. Madumi lang utak nyang pinsan mo!Minsan nga itry mong ipavacuum cleaner yan ng luminis-linis naman!" Sabi ko at nagwalk-out na palabas ng kwarto. Diko kayang makasama sa isang kwarto yung gurang na nickolo na yun. Baka maisalvage ko siya ng di oras. Ang sarap niyang chop-chopin, isilid sa sako at itapon sa ilog pasig. Buset siya!



"Aray!" Napalingon naman ako sa pesteng bumangga saken.



"Oopps.Sorry" Nakangising sabe nito at nagpatuloy na sa paglalakad. Sinadya nya to!Letse ka talaga!Nickolooooooo!!!! Papatayin talaga kita!!!! Ibebenta ko yang laman loob mo!Peste ka!



"NICKOLO BRIEL SIMPSON!!!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya.


"A-aray!aray ko!H-hoy!A-ray masaket!" Daing nito habang pinagsasabunut-sabunutan ko siya.


"Buset ka!Nanggigigil ako sayo ah! Kakalbuhin kita!" Sabi ko habang sinasabunutan pa din siya. Nakasampa ko sa likod niya. Teka?Dejavu?


"Bumaba kaARAYYY!ARAY!F*CK!" Sige.magsisigaw ka sa sakit diyan. Wala akong pake!Sabi ng masama akong binubwisit eh! Buti nga sayo, dapat lang sayo yan!


"H-hoy!Hoy ano ba yang pinaggagagawa niyo?Bakit kayo nagsasabunutan dyan?"


"Jusko!Jusko elliana!Bitawan mo si Fafa nickolo!!!!!" Rinig kong sabi nila pero diko sila pinansin at pinagpatuloy ang pagsabunot kay nickolo. Dumami fans namen a!


"Wag niyo kong pigilan!Kakalbuhin ko talaga yung gurang na yan!!" Sabi ko habang tuloy paren ang paghatak sa buhok niya. Panay na ang mura neto.


"D@mn!Sh!t. Tumigil kana!" Nahuli nito ang isa kong kamay kaya isa nalang yung pangsabunot ko sa kanya. Ngunit diko inaasahan na may hihila ng buhok ko dahilan upang bumagsak at mapaupo ako sa lupa.


"Awww"  daing ko. Hawak-hawak pa rin nung babae yung buhok ko habang nakasalampak ako sa semento. Awts.

Ayan. Ang bilis ng karma mo elliana. Nagpapadala ka kase sa bugso ng damdamin mo.



"Ayan ang nababagay sayo. Walanghiya ka!Sino ka para saktan si nickolo ha!" Sabi nito at hinatak nanaman ang buhok ko. Awwts. Pag-ako gumanti sayo ateng . Ultimo eyeballs mo hindi makakaligtas!




"A-aray k-ko. Ate ano ba!Bakit ka nangingielam?!Aray!" Pilit ko paring sabi sa kabila nung saket. Sh!t.



"Bakit? Dahil Sinaktan mo siya!" Sigaw nito saken. Sabay ng isang sampal. Aray!Ang OA ng fangirl na to!Buset! Girlfriend ka?GIRLFRIEND?


*Pak

Sinampal ko din siya. Halata namang nagulat siya sa pagsampal ko. Noon ako nagkaroon ng pagkakataon na tumayo.


"Bakit moko sinampal?" Naiiyak na tanong nito saken.



"Eh siraulo ka den pala e!Sinampal mo din ako e!edi ayan bumalik sayo!" Napanganga naman ito pero agad ding nakabawi. Sasampalin ulit dapat ako nito ng may humila saken papunta sa likod niya. Kaya ang ending siya yung nasampal ng babae.


Shete!Bakit sinalo ni nickolo yung sampal?Bahog ba siya?


"Tumigil nga kayong dalawa at ikaw!!" Tinuro niya yung babaeng pakialamera. "Pakialamerang palaka ka!Away namin to! Wag kang makisali!Maghanap ka ng sarili mong away!" Sabi nito at umalis na hatak-hatak ako!


"Hoy lalake!Bakit moko hinahatak!Di kita bate!Magkaaway tayo!" Sigaw ko sa kanya sabay bawi ng kamay ko rito.



"Ang tigas naman din talaga ng ulo mo e no! Osige bumalik ka don ng makalbo at mamaga yang pisngi mo!" Sabi nito at nagwalk out den. Hmp!Di kita hahabulin. Madapa ka sana.



"Oh talaga!Babalik ako dun!"sigaw ko at tumalikod na din. 




"Tss, ang tigas ng ulo moo!!!"



"Waaaaah!!" Napasigaw ako ng binuhat ako neto na parang isang sako ng bigas!



"Letse ka nickolooooooo!!!"




"Aiiish, kaingay mo!Kaingay-ingay mo!Parang nasa kabilang baryo ang kausap mo!  PESTE!Bakit kase di kita matiis e!Lecheng buhay naman yan oh! "





-------------

Short update ♥♥♥

To be continued..

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon