CHAPTER 36: SuperHero

35 3 0
                                    

ELLIANA'S POV

Bumalik ako sa kwarto pagkayari naming mag jack enpoy ni nickolo upang kunin ang mga gamit ko. Good thing nakita ko si drake at nagkusa siyang dalhin ang mga gamit ko sa bus.

Papunta na sana ko sa bus na sasakyan namin.Nang makarining ako ng umiiyak. Nanggagaling ang boses sa isang kwarto. Kaya lumapit ako doon upang silipin kung kaninong boses iyon. Nadatnan ko doon si Catalina. Umiiyak siya hawak ang mga pictures.. Pictures nila ni nickolo..

"If Only I can make you love me again.." Sabi niya sa pagitan ng mga hikbi. Ibinaling ko ang tingin sa pictures na hawak niya. Parang may kumurot saken.. I felt guilty for some reasons.. They look very happy.. Kakaiba yung ngiti at tingin nila sa isa't isa.. They looked very inlove.. May picture dun na nakabackhug si nickolo kay catalina habang nakatingin sila sa isa't isa.

"Nandito ka pala.." Napatingin ako sa kanya ng magsalita siya.Tango lamang ang naging sagot ko. Di ko maialis ang tingin ko sa mga pictures. I can't breath..May nararamdaman ako na hindi ko dapat nararamdaman.

"Mahal na mahal ko siya.. to the point na kaya kong gawin lahat para sa kanya.. Pero still, I leave him. Iniwan ko siya para sa pangarap ko. I love him.No doubt. Iniisip ko lang din naman ang kapakanan namin.. Gusto ko lang namang maabot muna naming parehas ang pangarap namin. Nung magkasama kami.. He is always distracted.. Mas madaming oras ang inilalaan niya sakin kesa sa studies niya..He keep on saying na Okay lang yun kase mas mahalaga ako sa kanya. Pero ayoko namang bumagsak siya.. Gusto ko paring magexcell kame sa studies namin.. That's why I leave him." Nakikinig lang ako sa sinasabi niya pero hindi ko makuhang tumingin sa mata niya. Pakiramdam ko pagnakita ko siya maiiyak nalang ako basta.

"B-bakit..Bakit bumalik ka?" I managed to asked. Gusto ko lang malaman kung bakit hindi niya tinapos ang college niya dun sa U.S kung gusto niya palang maabot ang pangarap niya, Bakit umuwi siya agad?

"I realize that It's better to pursue our dreams together. Hindi ko pala kayang mawalay ng matagal sa kanya. Miss na miss ko na siya. There are times na hindi din ako nakakapag-aral ng maayos kase wala akong ginawa kundi isipin siya. Kung kamusta na ba siya?Kung umiiyak din ba siya kagaya ko?Namimiss din kaya niya ko? Nakakatulog at nakakakain ba siya ng maayos? Sa ilang taong pamamalagi ko sa U.S hindi siya nawala sa isip ko at dito sa puso ko. Hanggang ngayon...until now I still love him..Pero hindi na pwede kase may iba na siyang mahal..." Pagtutuloy niya. Nagsimula na ding magpatakan ang luha ko. Nararamdaman ko ang paghihirap niya. Alam ko ang pinagdaanan niya kase naranasan ko na din yun. Alam ko kung gano kahirap mawalay sa taong mahal na mahal mo. Yung pakiramdam na para sa kanya.. Tapos na.. pero ikaw umaasa pa ding maibabalik niyo pa. That sucks. Love sucks.

Nagulat ako ng pumunta siya sa harap ko at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Elliana.. For the second time around.. I'm begging you.. Layuan mo siya.. Wag mo siyang pansinin. Itaboy mo siya. Please.. Just please.. Wag mong hayaang mahulog ng tuluyan sayo si nickolo. Mahal ko siya at alam kong may parte pa rin sa kanya na nagmamahal saken. Don't make him love you. Please. I'm begging you"

Patuloy lang sa pagdaloy ang luha ko. "I don't know if I ca---"

"No!No!You can!Kaya mo elliana!Don't tell me nahuhulog kana din sa kanya!No!Hindi pwede!Sasaktan ka lang niya elliana!Pinaglalaruan ka lang niya!Ginagawa ka lang niyang panakip butas so He Can getover me! Ako pa rin ang mahal niya nararamdaman ko yun!Di ka niya mahal.. Niloloko ka lang niya" Napailing-iling iling ako. Tinakpan ko ang tenga ko. Ayokong marinig ang mga salita na yun. Ayoko. Ayokong masaktan. Ayokong maloko ulit. Ayokong maiwan. Ayokong mag-isa.. Ayoko.. Ayoko..

Bakit ganito ko?Bakit nagkakaganito ko?Bakit parang ayaw ko siyang pagbigyan sa hinihiling niya.

Lalayuan mo lang naman siya elliana!Ganon lang!Kaya mo naman diba?Kaya mo..Kaya ko nga ba ? Naguguluhan ako..I feel exhausted..

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon