CHAPTER 33: Rivalry

22 2 2
                                    

ELLIANA'S POV

"Takte baby!Letseng kabayo yan!Hinilo ako! Pigilan niyo ko at lulumpuhin ko talaga yang siraulong kabayo na yan!F*ck that horse!"

Reklamo ni nickolo pagkababana pagkababa namin sa carousel. Pambata pala ha! Carousel palang hilo na siya e pano pa kaya sa ibang rides na halos tanggalan ka na ng kaluluwa.

"Sige lang brad. Lumpuhin mo lang. Aabangan ka nalang namin sa presinto kung sakaling magreklamo yung mga Personels dyan"

"Hoy drake!Manahimik ka  di kita kinakausap!At saka yang kamay mo ha!Konti nalang puputulin ko na yan!Kanina pa yan nakapulupot sa bewang ng baby ko a!"

Hay. Nagsisimula nanaman ho silang magtalo. Daig ko pa may kasamang batang maliliit dito e. Pakiramdam ko e babysitter ako ng dalawang damulag.

"San pa tayo sunod na pupunta?" Pag-iuba ko sa usapan.

Carousel lang ba ang meron dito? Well, Di naman kase to amusement park. Pinalagyan lang talaga ng carousel para sa mga bata. At oo bata pa ko!oh angal kayo?!

"Elliana, gusto mo dun tayo sa bike?"

Sabi ni drake at itinuro ang mga bike na rinerentahan. Hmp. Para ngang ang sarap maglibot dito. Ang lamig at ang daming puno kaso di naman ako sanay non no!

"Eh drake, hindi kase ako sanay magbike baka mamaya magkandasemplang-semplang lang ako dun"

Sayang naman ang makinis kong legs kung magagasgasan lang ako diba?

"Tuturuan kita!!"

Napatingin ako sa kanilang dalawa ng pareho silang magprisinta na tuturuan ako magbike. Uh-oh! This is war!

"Hoy!Ako nauna!" Maangas na sabi ni nickolo.

"Hoy!Sabay lang kaya tayo!" Protesta naman ni drake.

Sabay lang naman kase talaga silang nagprisinta. Oh well, ang haba po ng hair ko. Mamatay kayo sa inggit :P

"Nauna ko ng 1 seconds!" Singhal ulit ni nickolo.

Seriously? One seconds?

"One seconds?Haha!Ang bobo ni kuya!"

Correct ka dyan ate!

"Okay lang yun basta ..yummy..Hmp"

Ayy. Gumaganern?Coco martin?Is that you?

"Iihhhh!!!Oo nga!Di bale ng bobo basta gwapo!!Hihihi!"

Ayy! landeng-lande ate?!

Malakas na usapan nung mga babae sa gilid namin. Seriously?Proud na proud kayong pagchismisan kame!Wow ha! Nag-iinit ang ulo ko ah!Anlakas ng loob nilang pagsabihan si nickolo ng bobo!How dare them?!

"Hoy kayo!!Eh ano ngayon kung one seconds nasabe niya!May batas na ba ngayong bawal magkamali sa english ha?!sino kayo para kwestiyonin siya!?english teacher ba kayo?!" Sigaw ko sa mga babaeng nagchichismisan sa gilid namin. Nilapitan naman agad ako nila nickolo at drake at hinawakan sa magkabilang braso.

Pero di pa din ako nagpapigil. "Ako nga  diko sinasabihan yan ng bobo e!Kayo naman harap-harapan pa?!Abay alam naman nating bobo siya kaya sarilihin nalang naten!Hindi na kailangang ipamukha pa sa kanya!Nakakasakit kaya yun!"

"Hoy ate!Sino ka ba?!" Mataray na tanong din nung isang babae na mukhang dwende ni snowhite.

"Ako si Elliana Louisse Sandoval!Bakit?May problema kayo sa pangalan ko?"

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon