ELLIANA'S POV
"Ohmyghad!Buhay pa ba si elliana?Bakit hindi pa siya gumigising?"
"Siraulo ka Quincy!Kita mo ngang humihinga pa oh!"
"Waaah!Eh magkakalahating oras na natin siyang ginigising!Napapaos na ang golden voice ko kakasigaw sa kanya! Tingnan mo naman tulog pa rin!"
"Daganan mo nalang kaya siya ziyah!Baka magising!"
"Oh bakit ako? Edi niwrestling ako nyan paggising! No!No!no!"
"Hayaan na nga naten!Tara ng bumaba at baka mapagalitan tayo sabihin nalang naten napuyat si elliana"
Narinig ko ang pagtatalo ng mga kaibigan ko sa paggising saken. Actually kanina pako gising, nagtutulug-tulugan lang ako. Sino ba namang di magiging kung sisigawan ka sa tapat ng tenga mo diba? Nanatili akong nakapikit , iniintay ko lang umalis sila sa kwarto. Ewan ko ba.. ayoko pang bumaba..Wala akong lakas.. Di ko alam kung walang lakas yung katawan ko o wala akong lakas makita si nickolo..
Dinilat ko na ang mga mata ko ng maramdamang wala na ang mga kaibigan ko. Hay. Halos di ako nakatulog kagabi kakaisip sa nangyare kahapon.. ewan ko. Di naman dapat iyon bigdeal diba? Ayy ewan. Sumasakit ang ulo ko. Mana pa ay matulog muna ko.
QUINCY'S POV
Nandito na kame sa dining area at kasalukuyang kumakain. Iniwan na namin si Elliana dahil mukhang puyat na puyat ito . Parang namumugto nga ang mga mata niya. Ewan ko kung umiyak sya o dAhil sa puyat. Siguro dahil lang sa puyat, bakit naman siya iiyak, diba?
"Teka, parang may kulang tayo.. Asan si Ms.Sandoval?" Tanong ni Mr. Cruz. Siya nag magbabantay samen ngayon, bawat isang araw pala ay may iba't ibang facilitator ang pupunta dito upang bantayan at magpaactivities na din samen.
"Ah eh. Sir. Kase po asa taas pa po si Elliana" sagot ni rhiana sa tanong ni sir.
"Anong ginagawa niya don?Diba dapat ay nandito na kayong lahat at kumakain para makapaghanda sa activities mamaya?" Patay! Sinulyapan ko sila ziyah at rhiana pero nakayuko lamang ito na parang di na alam ang sasabihin.
"Ay eh s-sir. Natutulog pa po kase" sagot ko nalang kay sir. Tumaas naman ang kilay nito. Nako! Bakit ang susungit ng prof na naaassign samen.
"Pwede bang sunduin niyo siya. Hindi excuse ang dahil sa tulog sya." Napayuko naman ako. Dapat pala diko na sinabi na tulog sya. Pero yon naman talaga ang totoo e.
"Mr.Simpson!Ikaw na ang gumising sa kanya." Sabi ni sir , napatingin naman ako kay nickolo na wala man lang pake, napansin ko din na yari na itong kumain.Siya palang ang yaring kumain. Bilis a! Naagaw naman ng pansin ko ang babaeng katabi niya na grabe makalingkis sa kanya. Uy!May naligaw palang sawa dito! Bakit parang ngayon ko lang nakita yung sawa na yan dito?Wala pa siya kagabi a!
"Mr. Nickolo Simpson!Are you listening!?" Galit na sigaw ni sir kay nickolo pero nanatiling walang emosyon ang mukha nito . Tapos na itong kumain. Ininom nito ang tubig na inilagay ng sawa sa kanyang baso. Lecheng sawa yan!
Sarap gilitan!"Yes. I am" walang emosyon paren na sabi ni nickolo.
"Narinig mo naman pala, akyatin mo na si ms. Sandoval at gisingin." Utos ni sir sa kanya na halatang galit na dahil sa di pagsunod at pagisnab sa kanya ni nickolo.
"Bakit kailangan ko pa siyang gisingin?She's not even important."Halos napasinghap ang lahat sa narinig na sinabi ni nickolo. Bakit parang wala siyang pake kay Elliana?! Ang sweet naman nila dati ah! Dahil ba yo dun sa sawang nakalingkis sa kanya?
BINABASA MO ANG
Just A Dream
Teen FictionWhat if you NEED to set someone Free? Someone..Who is very special to you. Someone..to whom you promise to spend your lifetime with. And someone..You can't live without. Are you willing to sacrifice HIM for THEM? Are you going to wake up and accept...