Chapter 20

30 2 1
                                    

Shizieka's PoV

We already reached the place Ivan was referring to.

Ang ganda dito kasi kita mo yung magandang view sa ibaba.

Nakadaan nadin kami sa bahay nila and It was really big.

Parang mansion kung tutuusin.

Sinundo lang namin yung little sister n'ya na si Zanily.
Matangkad nang kaunti si Min sa kanya. Mahaba buhok n'ya at medyo chubby s'ya.

"Hi Min Kai!" Pagbati n'ya sa kapatid ko.

Kanina n'ya pa kasi kinakausap yang si Min pero ini-snob lang s'ya.

"Get off me you... silly brat!" Narinig kong sigaw ni Min.

Nakita ko naman na nakayakap sa batok n'ya si Zanily at si Min naman ay pilit na inaalis yung pagkakayakap.

"No! Play with me na kase..." Pagmamakaawa ni Zanily.

"Never! Get off!" Sigaw ni Min Kai.

"Ang cute nila noh?"

"Ay palaka!"

Peste 'tong si Kuya Brian bigla-biglang nagsasalita.

"Ano ba yan Kuya B, ginulat mo'ko ah!" I said.

"Haha. Sorry. Haha." Sabi n'ya at nagpatuloy sa pag-aasikaso ng mga kakainin namin.

"Kuya B asan si Ivan?" Tanong ko.

"Naandun pa sa kotse may kausap sa phone. Bakit?" He asked.

"Uhmm. Wala. Sige wait lang ah." I said tapos tumayo ako para sana puntahan si Ivan.

Nang makarating ako sa may kotse.. may kausap parin s'ya kaya naman napatigil muna ako para makinig.

Oo na! Ako na tsismosa!

"Yeah. Yeah. I'm here with her. We're cool. Nothing happened. Haha. Wala nga naghalikan lang kami. Sus. Wala lang 'yun sa kanya. Hindi naman talaga maka-tanggi 'yun kapag ako yung humahalik eh! Hahaha."

Is he reffering to me?

"Huh? Yeah. Ewan ko if she's falling for me. Ako? Falling? Hindi ah. Never."

Hindi ko na pinakinggan pa yung usapan nila.

Ang sakit kasi.

It feels like I've been stabbed right exactly on my heart.

Hindi makakatanggi sa halik n'ya?

Oo na! Ako na hindi maka-tanggi!

I never expected for this day to turn out like this one.

Akala ko...

Akala ko we feel the same.

But the shit is different!

He will never fall for me.

Kakasabi n'ya lang at karirinig ko lang right from his mouth.

Maybe he just loved playing with me.

It freaking hurts.

"Huy! Zieka. Anong nangyari?"

Napatigil ako sa paglalakad nung biglang hawakan ni Kuya B yung magkabilang balikat ko.

I looked up at him.

Nakita kong nagulat s'ya sa nakita n'ya kasi umiiyak ako.

I never planned to cry.

I swear.

Dahil sa sobrang down ko ngayon at hindi ko alam kung anong dapat i-react... niyakap ko nalang si Kuya B.

You know I Love You, Right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon