Chapter 50

29 2 10
                                    

Shizieka's PoV

It's been 3 days at ok naman yung mga nakaraang araw. Nabisita nadin namin sa hospital si Fara kasama si Neon. Este Clifford pala. Sorry na naguguluhan pa kami eh.

So ayun, naikwento saamin ni Fara na muntik na naman nyang itigil yung pagpapa-gamot dahil nga daw napagdesisyunan ng parents nyang ipakasal s'ya sa anak ng ka business partner nila.

Parang sitwasyon lang ni Yuki pero ang pagkakaiba, mahal n'ya yung naka engage sa kanya.

Si Yul? Hmmm ewan ko. Hindi nagku-kwento ang gaga. Patay na patay lang kay Doc Eric kasi ganun daw yung dream guy n'ya.

Si Myika? Hmmm... Sabi n'ya saamin nasa process pa daw sya ng paghahanap sa pamilya n'ya. Kahapon nga nagka-usap kaming dalawa about duon.

Tinanong n'ya ako kung pwede ba kaming magpa-DNA test dalawa pero sinabi ko na sa kanyang imposible yun kasi nga ayon sa mga research nila Mommy nasa Rizal daw yung sister ko eh.

Pumayag naman ako at plano naming magpa-DNA test sa isang araw. Wala naman mawawala eh. Atleast diba matutulungan ko pa si Myika na mahanap yung family n'ya?

Ako?

Uhmm... Kasama ko ngayon si Kuya B at papunta kami sa Maternity Clinic ng Ob 'kong si Doc Sarah.

Nagka-kutob kasi ako eh. Gusto ko lang kasing magpa-check about sa sarili ko kasi parang may mali sa matres ko or something. Madalas kasi syang sumakit tapos madalas parin akong magsuka. Hindi naman ako nag a-assume na buntis ako kasi walang nangyayari samin ni Ivan. Peksman.

Pagka-dating namin sa tapat ng clinic, naka-sunod lang saakin si Kuya B hanggang sa makapasok kami sa loob.

"Ok, Misis! Mag-ingat ka ah? Bye!" Narinig kong sabi pa ni Doc Sarah sa last patient n'ya na kalalabas lang.

Tapos nagsalita ako.

"Hi Doc Sarah!" Bati ko.

"Oh! Shizieka! Sabi ko diba every first sunday of the month? Bakit parang nalate ka ata ng three days?" Sita n'ya.

"Uhmm Doc may nangyari po kasi." I told her.

"Ano naman?" She asked.

"N-Nalaglag po kasi ako sa hagdan ng mall tapos sinabi saakin sa hospital na wala na daw po yung baby ko." Malungkot na pahayag ko.

"Oh shocks! Bakit naman nangyari yun? Hindi mo kasama ang mister mo noh?" She asked.

"Hindi po eh. Tumakas lang ako." I said.

"Yan ang mali sa pagtakas eh. Pag ipinagpilitan mo kasi ang isang bagay na hindi pwede o bawal, may masamang mangyayari." Seryosong pahayag n'ya habang napapa-iling pa.

"So, na-raspa kana?" Tanong ni Doc.

"Po? Na-Raspa?" I asked.

"Raspa. Ayun yung ginagawa kapag nakukunan ang isang pregnant Mom. Nililinis ang matres nila to avoid cancerous cells and bacterias on you egg cells. Aren't you informed about it?" She asked.

"No, Doc." Sagot ko.

"Oh my gosh. Baka naman namali lang yung doktor mo that time? Kasi dapat after a day or week ay naraspa kana." She said.

"So anong gagawin ko, Doc?" Tanong ko.

"Let me check you up, Iha. Humiga ka muna duon. Uhmmm, Sir baka pwede pong hintayin n'yo nalang s'ya sa labas sa waiting area ng clinic." Sabi ni Doc Sarah.

"Sure Doc." Sabi ni Kuya B tapos nag thumbs up pa saakin bago s'ya lumabas.

Humiga na'ko dun sa clinic bed na may halong kaba at frustration. Kinakabahan kasi ako. May 50% kasi sakin na baka naman namali nga lang si Doc at may 50% din na baka iiyak ako dahil wala na talaga ang little angel namin.

You know I Love You, Right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon