Chapter 22

22 2 2
                                    

Shizieka's PoV

"I'm sorry. Trip lang talaga kita."

Trip lang talaga kita...

Trip lang talaga kita...

"Ugh, TANGINA!" Napasigaw ako.

Nasa classroom pa'ko sa lagay na 'yan at nagle-lecture pa si Ma'am.

"Anong problema, Ms. Nidackuo?!" Tanong ni Ma'am.

"Problema ko 'tong puso ko! Lecheng puso 'to eh. Sinaktan na nga nagmamahal parin! Tangina talaga. Nakita na ngang may kahalikan iba, Mahal n'ya parin! Tang inang puso 'to eh!" I shouted at naiyak nalang ako bigla.

Yung mga classmate ko napatingin sa'kin lahat at wala akong pake sa sasabihin nila.

"Ms. Nidackuo come here." Sabi ni Ma'am at pinalapit ako sa kanya.

She hugged me so tight.

"Shh. Masakit talaga na makita yung taong mahal mo na may kahalikang iba pero baka naman may dahilan s'ya." She said.

"Wala Ma'am... M-may mahal syang iba.." I said habang patuloy ang pag-iyak ko.

Wala na naman si Yul. Um-absent na naman sa di ko malamang dahilan. Lagi nalang. Wala akong kadamay.

Lahat nalang sila kailangan nawawala. Tangina lang talagang buhay 'to oh.

"Ok class dismissed!" Ma'am shouted kaya nagsi-alisan na yung mga kaklase ko.

"Zieka tell me. Bakit ka umiiyak? Almost four days ka nang nagkaka-ganyan. Kung di ka tulog, tulala ka naman. What happened?" She asked.

"Bwisit kasi 'tong puso ko ma'am eh. Parang ipis. Ilang ulit nang sinasaktan pero nagpupumilit parin. Ang sakit sakit tuloy." Sabi ko..

"What exactly happen?" She asked.

"Trip n'ya lang daw ako. Nakakatawa diba, Ma'am?!" I said.

"Hush, Zieka. Relax kalang. I can give you advices ok? Just calm down." She said.

"Ma'am hindi ko na kasi alam eh... Sobrang down na down na down na talaga ako. Pinaglaruan n'ya lang ako ma'am." I said.

"Is this about Mr. Scott?" Biglang tanong n'ya.

"P-Paano nyo na-"

"It's really obvious dahil nowadays nakikita ko kayo-kayo palaging magkasama. Mostly, the two of you. " She said.

She looked at me.

Si Ma'am Facundo. Apelyido n'ya yan. S'ya si Ma'am Janeth Facundo.

"Zieka, I saw the way he looked at you and you looked at him. Nagtataka ako sa sinasabi mo. It's really different." She said.

"Ma'am sya na po mismo ang nagsabi." I said.

"What if nagsisinungaling lang pala s'ya sayo about dun?" She asked.

"No Ma'am. May kahalikan lang nga s'ya sa starbucks kahapon eh." I said.

I'm still crying dahil 3 days ko ding inimbak 'tong luha ko. At ang gaan ng pakiramdam na naiiyak ko na pero ang hirap huminga.

"What if he's just trying to use it? Malay mo may problema kung bakit hindi n'ya masabing mahal ka n'ya. Maybe he's scared." She said.

"Para 'san Ma'am?! Para sa ano?!" I asked.

"You need to know that. Wag kang susuko kung alam mong pareho lang kayo ng nararamdaman." She said.

"Wala akong maisip na paraan." I said.

You know I Love You, Right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon