Chapter 28

27 2 9
                                        

Shizieka's PoV

"Sayonara! Te Wo tsukete!" (Bye! Take Care!) Sabi ni Mommy.

"Sige po Tita, Alis na po kami!" Paalam ni Ivan at binuhat na yung mga bagahe namin.

Ako naman, taga hila ng dalawang maleta. Tag-isa kami.

Naka Overlap blue top ako at naka ripped jeans habang suot suot ang blue and white adidas ko.

4:00 am palang at halos wala pa kaming tulog ni Ivan. Kailangan daw kasing maaga kami sa airport.

So eto, nakasakay na kami ngayon sa kotse ni Ivan at nagmamaneho na s'ya papunta sa NAIA Airport terminal 3. Duon daw kasi kami sabi ni Mommy. Nasaamin narin yung ticket papunta at pabalik.

"Are you excited?" Tanong ni Ivan.

"Inaantok ako -__-" Bored na sagot ko.

"Don't worry. You can sleep on the plane. Besides hours naman Ang byahe natin to SG." Sabi n'ya habang nagmamaneho.

"Hindi kaba inaantok?" Tanong ko kay Ivan.

"Nope." He said then smiled.

"Pasandal muna ako sa'yo ha? Gisingin mo nalang ako pag andun na." Sabi ko sayo.

"Sige. Sleep tight, Ams. I love you." Sabi n'ya tapos inalalayan pa yung ulo ko pasandal sa balikat n'ya.

*Hikab* Inaantok talaga ako... Zzzz

Ivan Holler Scott's PoV

After a few minutes of driving.. Nasa NAIA Terminal 3 na kami.

"Ams... Gising na." Sabi ko kay Ams pero tulog parin habang nakasandal sa balikat ko.

At dahil medyo natutuwa ako sa moment na'to, Nag selfie ako habang naka sandal s'ya sa balikat ko. Naka nganga pa nga ako habang nakataas yung dalawang kilay ko.

Tapos kinurot ko bigla yung pisngi nya gamit ang kaliwang kamay ko. Medyo diniin ko nadin para magising s'ya.

"AMS GISING NA!!" I shouted inside the car.

Akala ko magugulat s'ya pero dinilat nya muna yung kabilang mata n'ya at umalis sa pagkakasandal sa balikat ko.

Nakatitig lang ako kay Ams habang naka busangot yung mukha n'ya. Tapos maya-maya...

"Andito na pala tayo, Dams. Tara na." She said tapos naunang bumaba ng kotse.

Bumaba nadin naman ako at kinuha yung phone ko para tawagan si Brian at kuhain dito yung kotse. Hindi ko naman 'to pwedeng iwan dito eh.

"Oy ano? Sino naman yang kausap mo sa phone?!" Inis na sigaw saakin ni Ams.

"Si Brian lang, Ams. Papasundo ko 'tong kotse ko." I told her.

"Siguraduhin mo lang, Ivan." Seryosong sabi n'ya.

Natawa naman ako 'dun.

"Ano ba naman yan Ams Nasaakin kana alangan namang humanap pa ako ng iba diba?" Malambing na sabi ko nang makalapit ako sa kanya.

Napangiti naman s'ya at naghila na ng maleta.

Ako naman kinuha na yung mga bagahe namin. Bahala na si Brian maghanap ng kotse :P

-
-
-
-
-

"Tulog na Ams." Sabi ko kay Ams at pinasandal na s'ya sa balikat ko.

Sumandal naman s'ya at niyakap n'ya pa yung braso ko.

Nasa first class row kami ng plane.

Nasa ere nadin ang plane almost 15 minutes ago.

Shizieka's PoV

You know I Love You, Right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon