Shizieka's PoV
"Alright, Class Dismissed! See you all tomorrow." -Sir.
"Bye Sir!" -Classmate.
Tumayo na'ko sa pwesto ko para lumabas.
Magpapaalam kasi ako kay Ivan na pupunta ako ng groupings kaya hindi ako makakauwi kaagad.
Hindi nga pumayag si Ma'am Facundo about dun sa exchange groupmate na tinanong ko.
Ayoko kasi talagang ka-grupo si Lanz eh.
"Uy Girl! Tara na!" Yaya saakin ni Alissa.
"Magpapaalam muna ako kay Ivan." I said.
"Hay nako girl! Wag na! Kailangan natin maumpisahan kaagad 'to para mabilis matapos! Text mo nalang s'ya!" Sabi ni Alissa sabay kapit sa braso ko.
"Kaya nga, Shizieka. Ako nga hindi nakapag-paalam kay Mama at Papa eh." Sabi ni Kim.
"Ano? Tara na! Sino sasabay sa kotse ko?" Tanong ni Tench.
"Kay Jarry Boy ako sasabay!" Sabi ni Alissa.
"Sakin ka nalang sumabay, Kim." Sabi ni Tench.
"Oy Ikaw Shizieka kay Lanz kana sumabay. Close naman kayo!" Sabi saakin ni Jarred.
"Uhmmm sa'yo nalang ako sasabay para kasama ko si Alissa." Sabi ko kay Jarred.
"Di na! Grabe ako lang walang kasama! Tara na!" Sabi ni Lanz sabay hinila ako sa braso.
Binawi ko din naman kaagad tapos dumiretso kami sa parking lot.
Sumakay na kami ni Lanz sa kotse n'ya.
Sa backseat ako sumakay.
"Huy dito kana sa harap! Magmumukha naman akong poging driver mo nyan eh." He joked.
Natawa naman ako sabay lumipat sa front seat katabi n'ya.
Pakiramdam ko nga may nakatingin saamin kahit na wala namang tao dito sa parking lot except sa aming group torns.
"Kinakabahan kaba sakin?" Natatawang tanong n'ya.
"Hindi. Kinakabahan ako sa makakakita satin." Sagot ko.
Totoo naman eh. Kinakabahan ako sa makakakita saamin baka kung anung isipin.
Buong byahe papunta sa unit n'ya tahimik lang kami. Hindi ako nakikipag-usap sa kanya. Sa labas lang ako nakatingin.
Pakiramdam ko nga ang bagal bagal ng byahe eh.
Pero soon, nakarating din kami sa unit n'ya.
Nasa last floor s'ya.
Sa kanila pala yung building na 'yun at solong-solo n'ya yung buong 11th floor. Kalahati nung 11th floor yung buong unit n'ya tapos yung kalahati nagmistulang resort dahil may pool. Rooftop, ganun.
Nga pala naka casual attire kami ngayon dahil sa activity kanina sa school grounds.
Hindi naman ako na-amaze.
Basement lang namin 'to eh. Lol. 😂😂😂
Pero realtalk, naliliitan pa ako sa unit n'ya.
Nakatambay kami nila Alissa dito sa roofdeck n'ya na may pool nga. May rectangular glass table din kasi sa may side tapos may Chairs. Ang cool nga eh. Haha!
"Ok Guys, Sino muna ang leader natin?" Tanong ni Alissa.
"Ikaw nalang. Madaldal ka naman eh." I said.

BINABASA MO ANG
You know I Love You, Right?
Romance"If I say so, then I mean it. I love you. I really do." - - - - They never thought of them being together and being sweet to each other. But what if your boyfriend/girlfriends keeps reminding you that she loves you every time? Or...Making you feel...