Chapter 26

19 2 0
                                    

Shizieka's PoV

Naandito na kami sa loob ng MOA at may hawak na tag-iisang ice cream on cone. Nanlibre kasi si Neon eh.

Maya-maya nadaw kami mag ice skating dahil medyo hapon pa. Pag gabi na daw para mas malamig.

Tinext ko nadin sila Kuya B na walang tao sa bahay. Malapit nadin kasi ang uwian ni Min Kai.

Ay shems rhyme 'yon ah. Hahaha. Lol.

Nauuna kaming maglakad ni Ivan. Naiinis na nga ako kasi ang daming napapatingin sa kanya tapos parang mga natatae kung kiligin. Nakakainis kaya.

Pero nakaka-kilig parin kasi hawak-hawak ni Ivan yung kamay ko kaya nadi-disappoint sila.

Buti nga sa kanila :P

"Uy Guys, Saan tayo pupunta?" Tanong ni Myika.

Hindi sila sabay maglakad ni Benj kasi magkasabay sila ni Yul.

Nag-uusap kasi si Yuki at Benj about some toy collections. Mahilig pala sa laruan yung dalawang 'yon.

Si Neon at Fara naman nag-uusap din. Puro english nga lang kasi hindi s'ya masyadong nakaka-intindi pa.

Pero may slight na syang nasasabi na tagalog words. Katulad ngayon..

"Ahhh so Makhapal hyung mukha nung bestfriend mo dhati?" Tanong n'ya kay Fara.

Tapos ayun nag usap ulit sila.

Si Yul at Myika kani-kanina lang ang da-daldal tapos ngayon ang tahimik naman. Parang may mga problemang di mo malaman kung ano.

"Ewan ko nga eh. Tanong mo sila kung 'san nila gustong pumunta." Sagot ko kay Myika.

"Oy Yul. Saan mo gusto?" Tanong ni Myika kay Yul.

"Ewan ko ba. Samahan mo nalang kaya akong bumili ng sapatos?" Tanong n'ya kay Myika.

"Ay damuho, samahan mo'ko sa bench." Sabi ko bigla kay Ivan.

Humarap s'ya sakin sabay taas ng kabilang kilay n'ya na parang nagtatanong.

"Bakit?" He asked.

"Basta. Samahan mo'ko." I told him.

"Sige. Paalam ka muna sa kanila. Sabihin mo magbe-bench lang tayo saglit." Sabi n'ya.

Nilingon ko sa likod yung mga kasama namin.

"Uy guys may bibilhin lang kami sa bench ni Ivan." Sabi ko sa kanila.

"Sa bench? Sama nadin ako bibili ako ng polo shirt ko." Sabi ni Benjamin sabay lapit samin.

"Dun muna kaya tayo, Myika?" Tanong ni Yul kay Myika.

Tumango naman si Yul sabay ngiti.

Bakit parang hindi sila nagtatabi ni Yuki? Nag-away kaya sila? LQ?

"Kayo Fara? Sama kayo? Pupunta kami sa bench." Tanong ko kayla Fara.

Tapos tinranslate nya yata kay Neon yung tanong ko.

"Oh. We'll come. I need to buy some shorts and tops." Sabi ni Neon sakin sabay ngiti.

"Magpapa-cute pa eh." Narinig kong bulong ni Ivan kaya hinampas ko ng mahina yung braso n'ya.

Seloso talaga eh. Hahaha.

"Eto naman, ngumiti lang eh." Bulong ko sa kanya.

"Hey Sis, Myika. Bili tayo ng damit sa Unica Hija?" Tanong ni Fara kay Myika.

Tinignan lang s'ya ni Myika tapos saka nagsalita.

"Bibili pa kami ni Yul sa Bench eh. Mauna kana 'dun." Cold na sagot ni Myika.

You know I Love You, Right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon