Chapter 49

17 2 8
                                    

Shizieka's PoV

"Goodmorning lovers! Wake up! Wake Up!" Nagising ako sa boses ni Tita Rhea.

Napaalis din yung pagkakayakap ko kay Dams at napaupo ako.

"G-Goodmorning ThiThaaaaa.." Naghihikab na bati ko.

"Mukhang sabog si Ivan. Wake him up." She commanded.

"Sige po." I said.

"Dams gising na..." I said as I poked Ivan's cheeks.

Tapos kinissan ko s'ya nang mabilis sa lips sabay bulong sa may mata n'ya.

"Gising na." I said.

Dumilat s'ya nang kaunti tapos ngumiti at nang agaw na naman ng kiss.

"Mornin'." He greeted.

"Jump out of bed! Kakain na tayo may pasok pa kayo!" Sabi ni Tita Rhea habang pumapalakpak pa.

Oo nga pala may pasok nga pala kami ngayon noh? Nawala sa isip ko eh.

Anung araw ba ngayon?

Kinuha ko yung phone ko sa ilalim ng unan tapos tinignan ko yung date. Ahh... Friday pala ngayon.

"Tara na." I said.

"Gusto ko ng leeg." Sabi nya bigla.

"Huh? Sige bili tayo ng leeg." I told him.

"Leeg mo ams!" He said sabay kagat sa leeg ko.

"Aahhh! Dams! Oy! Hahahaha!" I said kasi nakikiliti ako.

Tapos napahiga ako tas patuloy sya sa pagkagat sa leeg ko.

"Uy kase! Hahahahahaha!" I laughed.

Siraulo talaga 'tong si Ivan :P

Yulyaie Rae Kieon's PoV

"Hahahaha! Very Funny!" Sarcastic na saad ni Gracie kay Eric.

"Okay, Sorry na nga!" Sabi naman ni Eric.

Kanina n'ya pa kasi inaasar si Gracie buong byahe kaso nayamot na ata kaya nabadtrip. Short tempered pala 'tong si Gracie.

Nakita ko pang niyakap ni Eric so Gracie habang kinukuskos yung mukha n'ya sa braso nito na para bang isa syang pusa.

Nakaka-irita naman sila oh. Nakaka-bitter.

Leche kahit ba magka-patid sila eh.

Nga pala, papunta kami sa Montalban dahil Magsu-swimming kami sa Rancho. Nagyaya kasi sila Thea tapos sabi nila sumama na daw ako.

Pumayag naman sila Mama eh.

"Uy umayos ka nga Kuya! Baka magselos sa'tin yan kaibigan mo oy!" Sabi ni Gracie sabay tulak sa ulo ng kuya n'ya.

"Huh? Bakit naman magseselos si Yul?" Tanong ni Eric sabay tingin sakin.

Take note nasa pinaka likod ako ng van. Nasa gitna sila tapos hindi ko kilala yung Driver. AJ ata?

"Duh! Your so stony!" Asar ni Gracie na agad ko namang nagets.

Haha. Manhid.

"Stop making issues, Gracie!" Suway ni Eric sabay harap sakin.

"Pagpasensyahan mo na ah? Malandi kasi 'to eh." Pabirong sabi n'ya.

Tapos sinabunutan s'ya ni Gracie.

"Uy guys ang gulo ah! Nagseselos ako!" Sabi ni Mel tapos diniinan pa dun sa 'Nagseselos' sabay lapit sa tenga ko.

"Ay, ang ingay lang Melissa?" I reacted.

You know I Love You, Right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon