Chapter 53

19 2 11
                                    

Shizieka's PoV

After a week....

It's been a week nang huli naming pagkikita ni Ivan. Simula 'nung araw na yun hindi ko na s'ya nakita kahit sa school.

Napa-paranoid ako kaiisip ng mga pwedeng dahilan kung bakit hindi s'ya nagpapakita saakin.

Para kasing bigla nalang syang nawala somehow.

Miss na miss ko na nga s'ya tapos andami ko pang gustong kainin. Ugh.

"Min Kai!" Sigaw ko mula sa kwarto ko.

Nakarating naman si Min Kai sa kwarto ko mula sa pagtakbo n'ya.

"Can you call Kuya B for me?" Tanong ko sa kanya.

"He's not here." Sagot n'ya.

"No! I want him here!" Sabi ko sa kanya.

Gusto kong makita si Kuya B! Ugh.

Gusto ko syang yakapin ngayon na :3

"Bakit mo naman ako hinahanap?"

"Waaaah!" Napatili ako sa tuwa nang biglang sumilip sa may pintuan si Kuya B.

Agad-agad naman n'ya akong sinalubong ng isang mahigpit na yakap.

"Ikaw Kuya B! Hindi ka nagsasabi saakin may pinopormahan kana pala!" Nagtatampong saad ko.

"Ikaw naman kahit naman may pinopormahan ako alam mo namang mas lamang ka lagi!" Sabi n'ya sabay kiss sa noo ko.

"Kuya B alam mo bang ang tagal na kitang hinahanap?" Sabi ko.

"Bakit nga?" Tanong n'ya.

"Wala lang. Gusto lang kitang makita saka gusto kitang yakapin o kaya maamoy lang." Sabi ko sa kanya.

"Haha! Sira ka naglilihi ka nga pala noh?" Sabi n'ya.

"Saan kaba galing Kuya B?" Tanong ko.

"Ahhh dyan lang sa tabi-tabi." He said.

"Sus! Wag nga ako!" Biro ko.

"Haha. Tara sama ka sakin kain tayo." Sabi n'ya.

"Huh? Saan tayo kakain?" Tanong ko.

"May date tayong magkapatid." Sabi n'ya.

"Haha! Feel na feel mo nang maging kuya ko ah!" Biro ko sa kanya.

Napakamot s'ya sa ulo n'ya. "Tara na nga kasi!" Tapos bigla s'yang humarap ulit. "Ay! Mag dress ka pala! Yung white ah! Yung maganda ah! Hinintayin kota sa baba sa loob ng 20 minutes dapat maganda kana!" He said sabay baba.

Nagtaka naman ako sabay napakamot pa sa may taas ng tenga ko. "Anung problema nun?" Nagtatakang tanong ko saka ko pinalabas si Min Kai dahil magbibihis ako.

-
-
-
-
-

Matapos kong magbihis, naka white ako ng dress na sleeveless tapos may shiny silver neckline s'ya then naka white ako na closed shoes na shiny din tapos may dala akong simpleng side bag lang na maliit na kasya ang cellphone at wallet ko pati suklay pati lipgloss pati pulbo tapos madami pa.

Umalis kasi sila Mommy at Papa para sa trabaho kanina. Lumipad sila pa hongkong. Si Yaya Flor at Min Kai lang ang maiiwan dito kapag umalis kami ni Kuya B.

Bumaba ako ng hagdan tapos napatitig ako sa tyan ko kasi medyo onting malaki na s'ya kaya napanguso ako kasi feeling ko hindi sa'kin bagay maging mataba T^T

"Yaya Flor!" Pagtawag ko kay Yaya Flor. Agad naman syang humarap saakin. "Oh ba't bihis na bihis ka?" Tanong ni Yaya. Kumiss ako sa pisngi ni Yaya. "Magde-date lang po kami ni Kuya B kaya dadalhan po kita ng pasalubong! Bye bye, Ya!" Pagpapaalam ko sa kanya.

You know I Love You, Right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon