Shizieka's PoV
Nasa Potato Corner kami at nag-order na ang pesteng si Ivan. Nilibre nya kaming lahat.
"Oh Pano ba yan, Zieka? Libre mo na drinks!" Sabi ni Ivan at umakbay pa sabay gulo ng buhok ko.
"Yahh! My Hair!" I said tapos tinitigan ko sya ng masama.
"So kala mo cute ka dyan? Haha mukha kang tuta!" Asar nya sakin.
"Ah ganun?! Bumili ka ng sarili mong drinks! Eto ka oh .|." Sabi ko sa kanya.
"Hahaha! Pikon!" He said habang tumatawa.
"Ewan ko sayo! Bwisit ka talagang timawa ka!" I said.
"Japanese kaba talaga? Dami mong alam na tagalog ah." Sabi bigla ni Yuki.
"Dito kasi sya pinanganak." Sagot ni Yul.
"Ma'am, Sir, Ok na po yung order 'nyo." Sabi ni Ate.
"Arigatou Gosaimasu :)" Sabi ko at kinuha yung hash brown ko.
"Thank you daw po ;)" Sabi ni Ivan at kumindat pa kay Ate.
Si Ate naman, hindi alam kung kukurap o tititig. Hayup. Hindi naman kagwapuhan si Ivan ah? Tss.
"Oy ano Zieka? Hindi ka magte-thank you?" Tanong ni Ivan at siniko pako.
Muntik ko nang mabitawan yung hashbrown!
"Neknek mo!" I said at binelatan sya.
Hanggang sa napadpad kami sa market-market. Naubos nadin namin yung mga fries at hashbrown na kinain namin. Nakaorder nadin kami ng Java Chips sa Starbucks. Nag decide kami na same flavors nalang e. Haha.
Libre naman 'yun ni DY.
"Uy tara sa taas! Dun sa arcades dali!" Pagyayaya samin ni Yul tapos hinila na nya si DY.
"Tara!" Sabi ni Ivan at tumakbo palapit sa kanila.
Peste. Iniwan ako.
Nang makataas kami, tumambay muna kami sa isang place kung saan pinanunuod namin yung grupo ng mga babae na nagja-just dance. Anim sila at gayang-gaya nila yung sayaw sa screen.
Psh. If I know kabisado na nila yan e.
Wag ako. Iba nalang.
"Sus. Kabisado na nila yan." I said.
Tapos sinipsip ko yung drinks ko.
"Weh? Magaling parin sila." Sabi ni Ivan sakin.
"Lol. Praktisado na yan." I said.
"Talaga lang huh? Tingin mo pag di praktisado, di sila gagaling?" He asked.
Nakikipagtalo pa e.
"Syempre. Baka nung una nga mukha pa silang tanga e." I said.
"Haha ganun? Sige just dance tayong apat!" He said.
"Ayoko nga."
Ayoko lang. Ayoko ipakita ang hidden talent ko :P
"Sus! Di kalang marunong sumayaw eh!" He said.
"Ako pa hinamon mo? Sige, Tara! Yan lang pala e!" I told him.
"Yul ibili nyo kami ng token! Yung pang one hour a!" I said sabay abot ng pera kay Yul.
Sinamahan naman sya ni DY.
"Ano? Pataasan ng Score, Zieka?" Hamon sakin ni Ivan.
"Psh. Baka mahiya ka, Ivan." I said.
"Haha. Patawa. Pag ako nanalo may 3 wishes ako galing sayo ah?" He said.
BINABASA MO ANG
You know I Love You, Right?
Romansa"If I say so, then I mean it. I love you. I really do." - - - - They never thought of them being together and being sweet to each other. But what if your boyfriend/girlfriends keeps reminding you that she loves you every time? Or...Making you feel...