Chapter 13

34 2 1
                                    

Shizieka's PoV

Tahimik lang ako habang pinanunuod yung A Walk To Remember na movie ni Mandy Moore nung 2002. It was one of my favorite movies dahil sobrang ganda talaga ng kwento.

Wala pa sa kalahati yung movie. Sobrang ganda talaga nya....

Wala akong pake sa mga kasama ko ngayon dito.

Naandito padin si Ivan pero umuwi na si Yul. Babalik nalang daw sya mamaya kasi aalis sila ni Yuki ngayon.

Baka magde-date?

Kinikilig naman ako para sa kanila!

"Hey..." Narinig kong pagtawag sakin ni Ivan.

Pero nagpanggap ako na hindi ko sya naririnig kasi naka earphones ako.

"Hey.. Zieka... Galit ka padin ba?"

Hindi ko padin s'ya pinapansin.

Napalingon lang ako sa may pinto nang may biglang pumasok na Nurse.

"Hey.. You. Bakit mo'ko hinalikan kanina? Hindi mo ba alam na may asawa ako at may anak nadin kami? You should say sorry to her. Galit s'ya sakin." Sabi ni Ivan dun sa nurse.

"S-Sorry po.." Sabi nung nurse at napayuko nalang.

"Next time gawin mo yung trabaho mo lang ah? Hindi yung suma-sideline ka ng paglandi. Mang landi ka kapag day off mo na ha? Saka pag maganda kana." I said at nag focus ulit sa panunuod ng movie.

Chineck nya lang yung sa dextrose ni Kai at lumabas na ng room.

Ang landi, nakakairita.

"Hey.. So nagseselos ka talaga?" Ivan said matapos nya akong tabihan.

"Hey, Are you Ate's boyfriend?" Biglang tanong ni Kai.

"No!/Yes" Nagkasabay pa kami sa pagsagot ni Ivan.

"I like you for her." Biglang sabi ni Kai at ngumiti.

"High five bro." Sabi ni Ivan at um-apir pa kay Kai.

"Bwisit." Napabulong nalang ako.

I like you for her? I like him for me too! Ay charot. Hahaha.

Nang matapos yung movie at napaiyak ako... napatingin saakin si Ivan at agad na nagbago yung ekspresyon ng mukha n'ya.

"Shit bakit ka umiiyak? Sorry na nga diba?" He said.

"Gago! Feelingero ka talagang bwisit ka noh? Nakakaiyak lang yung movie tanga." I said.

"Ay grabe sakin." Sabi nya tapos tumawa na nang tumawa ang damuho.

"Lecheng damuho." I said sabay tayo.

"Hey Min Kai... How are you feeling?" I asked him.

"I wanna play.." He said.

"But you can't play pa... You wanna watch some movies?" I asked him.

"Yes. I want to watch Pan." He said.

"Pan? Ok meron ako dito sa laptop." I said tapos pinlay ko yung Pan at nilagay ko sa tenga n'ya yung earphones.

Busy sya sa panunuod habang ako naman... busy sa pagpe-facebook sa cellphone ko.

"Oy samahan mo'ko."

Napalingon ako sa kutong lupa na nagsalita.

"Ano na naman?!" Inis na saad ko.

"Luh. Inis kaagad. Papasama lang akong bumili ng push pop eh. Sayang ililibre pa naman sana kita." He said.

You know I Love You, Right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon