Epilogue

21 2 6
                                    

After 9 months....

"Shizieka!" Pagtawag ni Ivan sa asawa.

Limang buwan na silang ikinasal at nung nakaraang buwan lang ay nagsilang na ng malusog at gwapong bata si Shizieka.

"Teka lang! Pinapa-dede ko pa si Hovan!" Sigaw nito pabalik sa asawa habang nagpapadede s,ya ng kanyang anak sa sarili mismo nyang mammary glands.

"Kakain na tayo at hini pwedeng lagpasan mo na naman ang pagkain natin ng tanghalian!" Sigaw ni'to mula sa kusina.

Humiwalay na sila ng bahay at nakatira sila ngayon sa isang palapag na bahay na kanilang binili mula sa mga inipon nilang dalawa. Si Ivan naman ay nagta-trabaho na sa kumpanya nila habang si Shizieka naman ay housewife muna ang ganap dahil walang maiiwan sa bahay nila para maglinis at mag-alaga ng bata.

"Oo na eto na! Lalabas na kami!" Sigaw ni Shizieka.

Inayos n'ya ang itsura n'ya at binuhat ng maayos si Baby Hovan tapos inayos na n'ya ang damit n'ya. Isinubo kay Baby Hovan ang tsupon at pumunta sa may kusina.

"Ang cute naman ng Baby ko!" Sabi ni Ivn sabay marahang hinaplos ang pisngi ng anak.

"At syempre, ang ganda ng asawa ko!" Paglalambing nito at hinalikan pa ang asawa sa pisngi.

"Upo na. Kakain na ta'yo." Sabi ni Ivan at pinaupo ang asawa sa tabi n'ya.

Masaya silang kumain ng kanilang tanghalian kahit na medyo nahihirapan si Shizieka dahil buhat-buhat n'ya ang kanilang anak.

Kung sisimulan natin sa umpisa ang lahat ay nakakatawang isipin kung gaano sila kainis at kayamot noon sa isa't isa. Kung gaano nila isinusumpa na nagkakilala pa sila.

Mapaglaro ang tadhana kaya naman hindi nila inaakalang sila palang dalawa ay magmamahalan.

At tulad nga ngayon, nagsasama sa iisang bahay, may anak, naikasal na at maayos ang pamumuhay pero masaya.

May mga bagay talaga sa mundo na masyadong komplikado at nakakabigla.

Katulad ng mga bagay na hindi mo inaasahang mangyayari.

Madalas ganito ang ritwal ng mag-asawa. Kakain ng tanghalian tapos ay mag-aasikaso na si Ivan para sa trabaho at aalis.

Si Shizieka naman ang magpapatulog sa bata at ilalagay ito sa kanyang crib tapos uurungan ang kinainan nila at maliligo.

Hihintayin n'yang magising ang anak nila tapos nilalaro n'ya ito. Nilalambing n'ya at minsan pa ay dinuduyan n'ya ito sa duyan nito.

Tapos uuwi si Ivan, sasalubungin ni Zieka.

-
-
-
-

Lumipas ang anim na taon.

Nagkaroon ng away at tampuhan. Galit at iba pa pero nanatiling matibay ang pagmamahalan nila.

"Daddy!" Bati ni Hovan sa kanyang Ama na kadarating lang galing sa trabaho.

Anim na taon ang nakalipas at nakatira na sila ngayon sa isang malaking bahay na may dalawang palapag kasama ang Limang taong gulang na anak nilang si Hovan.

Habang anim na buwan nang nagdadalang-tao si Shizieka.

Si Ivan? Sya na ang boss ng kumpanya nila.

Namatay na ang Papa ni Ivan noong nakaraang taon. Malaking perwisyo ang nadulot nito kay Ivan dahil sa lungkot pero pinili n'ya paring pagtuunan ng pansin ang kanyang asawa't anak pati narin ang kanyang negosyo.

Lumipas pa ang isang taon at pumanaw na ang kasambahay nila Zieka noon na si Yaya Flor dahil sa isang malalang karamdaman na hindi na nito kinaya.

Sobra ang iyak ni Shizieka noon habang karga-karga n'ya pa si Hoshin na babaeng anak nila na magi-isang taong gulang palang.

-
-
-
-

Lumipas ang isang dekada o sampung taon ng buhay nila, mas naging masaya sila kasama ang dalawa nilang anak. Isang babae at lalaki.

Madalas silang mag-gala sama sama tuwing araw ng linggo dahil ito ang day off ni Ivan.

Pero malungkot ding isipin na nawala na si Rhea. Ang nanay ni Ivan. Ilang araw lumipas ay nawala narin si Shiju at Azi dahil sa isang aksidente.

Pero nanatiling paring matatag sina ShiIeka at Ivan.

Nagkikita parin naman silang magkakaibigan.

-
-
-
-

"Mahal na mahal kita... Wag kang matakot magmahal ng i-iba... A-Alagaan mo silang mabuti...." Sabi ni Shizieka bago ipikit ang kanyang mga mata.

"Ams.... M-Mahal na Mahal kita..." Nanginginig na sambit ni Ivan habang nakayakap sa pumanaw na asawa.

Namatay din si Shizieka dahil sa breast cancer pero s'ya ay nasa edad na 47 palang. Napakabata n'ya pa nang mamatay s'ya...

-
-
-
-

Nag-edad 36 ang anak nilang si Hovan at 30 anyos naman si Hoshin nang tinamaan ng malalang sakit ang kanilang ama na si Ivan.

"Dad! Please don't leave us..." Umiiyak na pahayag ni Hoshin.

"Hoshin, Mommy is feeling alone in heaven and I'm going with her. I can't take the pain anymore..." Nanghihinang sabi ni Ivan.

"Lolo No!" Sigaw ng apo nitong si Jivan.

"I Love You." Huling sinambit ni Ivan bago isinara ang kanyang mga mata...

-
-
-

Sa buhay hindi mo inaakala kung kailan matatapos ang lahat. Kung hanggang kailan kalang maninirahan sa mundo.

Hindi mo ito mapapansin dahil naging masaya ka at inenjoy mo ang hiram na buhay.

Wag kang matakot magmahal dahil mas masarap ang mawala na alam mong may nagmamahal sa'yo.

-The End-

Goodbye YKILYR! See You MR. KIDNAPPER :D

Salamat po sa suportang ibinigay ninyo sa librong ito!

Comment your say! xD Hahaha.

You know I Love You, Right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon