Shizieka's PoV
"OMG bes! Alam mo na ba yung balita ha?" Tanong ni Myika.
Break time namin ngayon.
Kasama ko si Yul at Myika pati si Olive. Hindi ko pa nakikita si DY, Clifford at si Ivan.
Pumasok kaya s'ya?
"Tungkol saan?" Tanong ko habang kumakain ng fries.
"Nakipag-suntukan daw si Ivan sa gym!" Sabi ni Myika.
"Huh?! Kanino?" Tanong ko at natigil ako sa pagkain ng fries.
"Tara hanapin na muna natin s'ya!" Sabi ko sa kanila at nauna na akong tumakbo palabas.
Palingon lingon din ako sa paligid at nagbabaka-sakaling makita ko s'ya.
Tapos tinawagan ko s'ya.
Hindi naman sumasagot.
"IVAN!" Sigaw ko nang makita ko s'ya.
Naka-akyat kami nila Myika dito sa roof deck. Naandito lang pala s'ya. Mag-Isa at nakayuko.
Napatingala nga s'ya nang makita n'ya ako eh.
"Sige guys iiwanan muna namin kayo." Sabi nila Myika tapos bumaba nadin.
"D-Dams..." Salita ko habang papalapit ako sa kanya...
"Ams..." He said sabay tayo tapos lumapit saakin at niyakap ako.
"Sorry..." I whispered habang nakayakap din ako sa kanya.
"No. Ako dapat ang mag sorry." He whispered.
Tapos humiwalay muna ako sa kanya.
"Magpapaliwanag naman ako Dams. Makikinig kana ba?" Tanong ko sa kanya.
"Start explaining." Sabi n'ya nang naka-ngiti.
"Yung mga picture na yun, yun yung araw na hindi ako nakapag-paalam sayo na may groupings kami. Si Jarred umakbay sakin pero tinanggal ko din. Nagtatawanan kasi kami nun. Tapos si Lanz naman nung naka topless s'ya, nagpalit lang s'ya ng T-Shirt nun. Tapos yung parang nagkiss kami, hindi kami nag kiss nun, Dams. Nilapit n'ya lang yung mukha nya kasi inaasar n'ya ako. Maniwala ka Dams, hinding-hindi kita ipagpapalit." I said tapos nagtaas pa'ko ng kanang kamay ko.
Hinawkaan nya yung kamay ko tapos binaba n'ya sa may gilid ng bewang ko.
"Ams alam ko namang ako lang diba?" Tumango ako.
"May tiwala ako sa'yo pero kay Lanz ako walang tiwala. He's my childhood bestfriend at noon palang may gusto na s'ya kay Angelica. Tapos ngayon may galit s'ya sakin dahil sa sinabi ni Angelica dati na mahal daw namin ang isa't isa. Siraulo talaga yung autistic nayun eh." Sabi n'ya.
Tapos binatukan ko naman s'ya dahil sa sinabi n'ya.
"Grabe ka naman kay Angelica!" Natatawang saad ko.
"Pero Ams please layuan mo na si Lanz ha?" Saad n'ya habang nakahawak sa magkabilang pisngi ko.
"Ano kaba! Ka grupo ko yun eh hindi ako pwedeng lumayo." Sabi ko sa kanya.
"Psh. Nakakainis na kasi eh." He said.
"Para kang bata d'yan!" Suway ko sa kanya.
"Bakit ka nga pala pumunta sa bahay kagabi? Akala ko ba may pupuntahan ka?" Tanong n'ya.
"Yun na nga eh. Galing ako kay Doc Sarah... Dun sa clinic." I told him.
"Oh bakit pumunta ka pa dun?" Tanong n'ya.

BINABASA MO ANG
You know I Love You, Right?
Romance"If I say so, then I mean it. I love you. I really do." - - - - They never thought of them being together and being sweet to each other. But what if your boyfriend/girlfriends keeps reminding you that she loves you every time? Or...Making you feel...