Chapter 30

32 2 1
                                    

Shizieka's PoV

"Ang ganda talaga dito!" I told him.

Ewan ko kung nasaan kami pero promise! Ang ganda-ganda talaga dito ^_^

Napag-usapan kasi namin ni Dams na sa last day nalang kami pupunta sa Merlion para special at memorable.

Pag ayun kasi agad ang pinuntahan namin, Hindi na sya masyadong enjoying.

"Picture tayo, Dams!" I told him.

This season, Uhmm.. Malamig ngayon dito. Hindi naman sobra na nag i-snow pero malaming yung simoy ng hangin.

Naka dress ako na silk pinkish red na may lace shoulders.
Tapos naka furry white bonet ako.

Naka boots din ako na skin collor na may fur. Feeling ko nga ang cute ko ngayon sa outfit ko eh!

"Hey!" I called someone.

Isang foreigner na I think nasa mids 15 years old to 17 years old base sa facial features n'ya pero mas matangkad s'ya sakin. Siguro ka height ni Ivan.

"Hey." He greeted me.

"Can you take a picture of us?" Tanong ko pagka-lapit ko sa kanya.

"Who? A friend?" He asked.

Pacute pa more, Kuya. Mas gwapo sa'yo di Dams ko.

"No. Her boyfriend." Biglang lumapit si Ivan sabay akbay saakin.

"Oh, Sure. No problem." Sabi nung lalaki sabay kuha ng phone ko at pinicturan kami.

Yung first shot naka akbay sakin si Ivan at hawak ko yung kamay n'ya tapos yung next shot naman magkaharap kami at magkadikit yung noo naming dalawa habang magkahawak kamay kaming nakatingin sa mata ng isa't-isa.

"Thank You." Pasasalamat ko dun sa lalaki.

"Welcome." He said tapos naglakad na ulit paalis kasama yung mga kabarkada n'ya.

My gosh wala pa'kong nakikitang panget dito sa lugar na'to!

"Hoy tara na!" Yaya saakin ni Ivan at hinila ako.

Bakit para syang galit???

May ginawa ba ako? Eh parang ang saya-saya pa nga n'ya nung nagpi-picture kaming dalawa! Hmf.

Napadpad kami sa isang tahimik na lugar. Medyo madilim nadin kasi 6:48 na ng gabi. Umupo kami sa isang bench. Magkatabi kami pero walang nagsasalita.

Nakayuko nga lang ako habang pinaglalaruan yung butones ng bag ko.

Kaso hindi ako mapakali kasi pakiramdam ko galit talaga s'ya.

So tinignan ko sya at nakita kong nakatingin sya ng diretso sa harapan n'ya. Ang sama nga ng tingin n'ya. Yung siko nya nakapatong sa dalawang hita nya na medyo nakabukaka tapos yung baba nya nakapatong sa kamay nyang nakasara.

Galit nga ata talaga sya :3

"Dams..." I called him.

Tinignan nya ako pero masama padin yung tingin nya.

"Dams.. G-Galit kaba?" I asked him.

Tinignan nya lang ako tapos tumingin ulit ng diretso.

Ugh. Bakit ganito? May ginawa ba'ko?

"Uy.. Ano bang- Bakit ka nagalit?" I asked.

Hindi ko alam kung anong dapat itanong ko sa kanya eh.

"Tingin mo?" He asked, still not looking at me.

"Hindi ko alam. Wala naman akong ginagawa eh." Sagot ko sa kanya.

You know I Love You, Right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon