Chapter One

42.1K 811 33
                                    


Black Eternity Series
Oshiri Oquendo

HINIHINTAY ni Serene ang sundo niya sa labas ng university na pinapasukan niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HINIHINTAY ni Serene ang sundo niya sa labas ng university na pinapasukan niya. She was a grade twelve student right now, naabutan niya kasi ang Kto12 program. Okay lang naman sa kanya iyon. At least ay nadagdagan ang knowledge niya. Palingon lingon siya sa wrist watch niya.

"Wala pa ang sundo mo?!" Tanong sa kanya ng kaibigan niya at kaklase niyang si Wendy.

Umiling siya. "Wala pa. Baka na-traffic siguro."

"Bakit hindi ka magpasundo sa Ate Selene mo, hindi ba wala siyang pasok ngayon?"

"Oo kaso, kapag ganitong wala siyang pasok tumutulong siya kina Mommy sa kompanya." Paliwanag niya sa kaibigan.

Tumango-tango naman siya. Nag usap sila tungkol sa mga aralin nila kanina at ilang bagay na patungkol sa mga programa ng eskwelahan. Hanggang sa dumating na ang sundo nito. Nakakatuwa dahil ang Daddy pa nito ang nagsundo dito, sana ganoon din ang Daddy niya sa kanya.

"Hatid ka na namin Serene." Alok pa ng kaibigan niya.

Ngumiti naman siya. "Huwag na, parating na din siguro ang sundo ko."

She waved her goodbye. Masaya siya at nagkaroon siya ng kaibigang katulad ni Wendy, napakabait. Kahit na minsan ay nakakaramdam sita ng inggit sa kaibigan niya dahil buti pa ito, palaging may oras ang mga magulang nito para sa dito. Hindi katulad niya, palaging busy ang Mommy at Daddy niya sa kompanya nila, ngayon pati ang Ate niya.

Sila ang may ari ng isang sikat na Cheese Factory sa loob ng bansa, kinikilala na din ang produkto nila sa ibang bansa. Masaya siya sa tinatamasang karangyaan ng pamilya nila ngunit kahit na ganoon ay nalulungkot siya dahil halos wala ng oras ang mga magulang niya para sa kanilang magkakapatid. Natatakot kasi ang mga magulang niya na ma-bankrupt nanaman ang factory nila tulad noong nangyari noong bata pa siya. Hindi niya na masyadong matandaan ang mga detalye 'non, masyado pa kasi siyang bata noon para maintindihan ang mga nangyayari sa paligid niya.

Napabuntong hininga siya at muling tumungin sa wrist watch na suot niya. Ang tagal naman kasi ng sundo niya. Na-traffic siguro ang driver nila kaya wala pa ito hanggang ngayon. Ilang minuto pa siyang naghintay hanggang sa may isang kulay asul na SUV ang huminto sa harapan niya. Napakunot ang noo niya, hindi niya kilala ang sasakyan ngunit laking gulat niya ng bigla nalang bumukas ang pinto nito at hinila siya papasok sa loob.

Mabilis ang mga naging pangyayari. Hindi siya nakapag-react kaagad. Ni wala man lang nakapansin sa kanya dahil hindi siya nabigyan ng pagkakataong makasigaw at manghingi ng tulong. Agad siyang tinakpan ng puting panyo sa kanyang bibig at dahil doon ay nawalan na sita ng malay.

NAPANGISI si Oshiri ng matanaw na niya ang sasakyang maghahatid sa kanya ng bunsong anak na babae ni Selvestra. He can't wait for his victory, He can't wait to see her suffer because of her mother's sins. Tsk! Malas lang nito at si Selvestra ang naging ina nito.

Black Eternity Series: OSHIRI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon