Chapter Twenty-three

22.9K 667 31
                                    

Black Eternity Series
Oshiri Oquendo
My Ex's Daughter

~

Three and a half years later..

Paris, France

HAWAK HAWAK ni Serene ang kamay ng kanyang ina habang panay ang pag luha niya. Ramdam na ramdam na niya kasi ang nalalapit nitong pag iwan sa kanila ni Sym dahil bagsak na bagsak na din ang katawan nito. Kinakain nang cancer ang kalakasan ng kanyang ina at halos tatlong taon na din itong nilalabanan ng ginang ngunit ngayon ay wala, tila ba nais na nitong bumitaw.

Hindi pa kaya ni Serene, hindi niya pa alam kung paanong mabubuhay mag isa, hindi pa naman siya tapos sa pag aaral niya. Patapos pa lamang siya at gusto niya ay kasama niya pa ang kanyang ina habang ibinibigay sa kanya ang diploma niya pero ngayon ay nakikinita na niyang hindi na kaya ng ina.

"Ma.. Huwag naman po kayong ganyan. Hindi ko pa ho kaya." Umiiyak na aniya.

Bagama't hindi na makapagsalita ang kanyang ina sa sobrang kahinaan, kitang kita niya sa mga mata nito na hindi ito masayang aalis.

"Ma.."

May pilit na inaabot ang kanyang ina at ng sundan niya ang tinuturo ng kamay nito ay nakita niya ang isang maliit na kahon na nakapatong sa medicine cabinet ng ina. Kaagad niyang kinuha iyon.

Wala sa sariling binuksan niya ang kahon ng makabalik siya sa kinauupoan niya malapit sa kanyang ina. Mga sulat ang laman noon, isa para sa kanya, isa para sa Ate Selene niya, isa para kay Sym at isa para sa ama niya.

Bumaling siyang muli ng tingin sa ina at halos mabuwal siya sa kinalalagyan ng makita niya ang pag ngiti ito at pagkatapos ay ang marahang pag pikit ng mga mata nito. Nasasaktan ng sobra si Serene pero kailangan nigang tanggapin. Wala na.. Wala na ang Mama niya. Ganoon naman talaga diba? May mga darating at aalis sa buhay mo? Kasama iyon sa journey mo pero ang sakit sakit pa din. Sobrang sakit.

Pakiramdam si Serene ay napilayan na siya, noong huli siyang nakaramdam ng ganitong sakit ay noong bago siya umalis ng Pilipinas.

"Sigurado ka na ba?" Sagot sa kanya ng kaibigan niyang si Haze sa kabilang linya.

Napabuntong hininga si Serene at mahigpit na napahawak sa cellphone niya. Sigurado na siya sa desisyon niya at habang nasa process pa siya ng taimtim na pag iisip, alam niyang kapag ginawa niya ito kailangan na niyang kalimotan ang lahat once na makatapak na siya sa loob ng eroplano.

"Alam kong isang malaking abala na ko sayo Haze at nagpapasalamat ako na nandyan ka para sa akin. Please, huwag mo sanang pabayaan ang Ate Selene ko habang wala kami, at sana pati si Daddy, kahit naman gaano siya kasama sa amin siya pa din naman ang ama namin." Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. "Tsaka Haze.."

"Ano yun?"

Kailangan niyang sabihin ito. "S-si.. Si O-oshiri. Haze I know this is too much but I don't want him to die, oo gusto kong pagbayaran niya ang lahat ng mga naging kasalanan niya sa aming mag iina pero ayoko namang umabot sa ganon. Ano pa ma't mangyari, mahal ko pa din siya. Siya pa din iyong ka-isa isang lalaking nagpatibok sa puso ko kaya sana magawan mo ng paraan. Salamat Haze, tatanawin ko itong malaking utang na loob."

Hindi niya mapigilang maging emosyonal. Lumuluha na siya habang sinasabi iyon sa kaibigan. Nakakapagod na ang umiyak pero dahil babae siya alam niyang nakakabit na iyon sa kanya. Ang luha lang naman ang pinaka-effective na weapon ng babae at the same time ito na din ang pinakamabisang paraan para maibsan iyong sakit na nararamdaman.

"Sure thing Serene, just promise me that when the time comes and you get back here. You're the stronger one, I want to meet the new you."

That words keep on her mind 'till she reached the land of Paris.

Black Eternity Series: OSHIRI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon