Black Eternity Series
Oshiri Oquendo
My Ex's Daughter~
TAHIMIK lang si Serene buong byahe pauwi ng Pilipinas. Hindi niya kinikibo si Oshiri bagay na kinababahala ng binata. Wala namang pakialam si Serene ngayon. Gusto niya lang munang makabalik, gusto niyang makausap ang ate niya. Marami siyang gustong itanong at marami siyang gustong sabihin. Ang sakit sakit kasi ng kalooban niya, parang sasabog na sa sakit ang dibdib niya. Kanina pa nga siya iyak ng iyak dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman niya.
How evil he is to deceive them? He's a heartless monster.
She sobbed, "Please my angel, stop crying." anito.
Umiling siya. "You shut up Oshiri! I don't need your words now." Mariing aniya ngunit panay pa din ang pagtangis niya.
"Mahal na mahal kita Serene." narinig niyang bulong nito.Hindi niya iyon pinansin. Sa ngayon ay hindi iyon ang kailangan niya. Hindi iyon.
Nakarating sila sa Oshini Mansion. Inihahanda niya ang sarili niya sa pagkikita nilang magkapatid. Marami siyang gustong sabihin kay Selene at isa lang ang sigurado niya, hindi siya natutuwa sa mga pinag gagawa ng ate niya.
How can she be happy while she's in pain?? Lahat si Selene ang nakaramdam nang napakagaang na parusa ni Oshiri at hindi niya alam kung ika-tutuwa niya ba iyon o hindi.
Naramdaman niya ang paghawak ng binata sa kayang kamay. Saglit niyang tinitigan iyon bago niya ito tinabig.
"Serene.. Please.."
Hindi niya pinansin ang binata. Hindi niya ito pinansin at dumiretso siya papasok sa Oshini Mansion, naabutan niya ang kapatid niyang sumisimsim ng tsaa habang nagbabasa ng magazine.
Pulang pula ang mukha ni Serene sa galit. How can she be so calm and relax while their mother is on the hospital right now. Paano niya nalaman?! Bago sila umalis ng Mexico ay nakipagkita pa siya kay Haze, ang dalaga ang nagmulat sa kanya ng katotohanan, inalam nito kung anong nangyari sa Mommy niya habang wala siya at nalaman niyang matagal na pala itong nasa hospital dahil may malala na itong sakit.
"Serene.."
"Leave Oshiri! I want to talk to her," tinitigan niya si Selene. "alone."
Mabuti nalang at pinakinggan siya ng binata at umalis ito. Hindi niya alam kung saang parte ng palasyong ito pupunta ang binata pero sa ngayon, wala muna siyang pakialam. She needs to deal with her sister first.
Lumapit siya sa kapatid at walang habas na hinablot at tinapon kung saan ang hawak hawak nitong magazine. Napatingin sa kanya si Selene at nanlalaki ang mga mata. Dahan dahan itong tumayo.
Hindi na nakapagpigil si Serene at sinampal niya ng malakas ang ate niya.
Namumuo ang mga luha ni Serene sa sobrang galit. Hindi niya alam kung ano ang kakaibang galit na iyon. Hindi niya lang talaga mapigilan.
"Serene.." anang kapatid niya nang makahuma. "B-buhay ka, p-paanong.. Bakit.."
"Anong paano ate Selene? Anong bakit?!" Hindi niya mapigilan ang pagtaasan ito ng boses. "Hindi mo alam?! Hindi mo alam kasi hindi mo inalam! Ganyan ka na ba katanga ate Selene?! Ang tanga tanga mo! Hindi mo alam na pinapaikot na tayo ni Oshiri Oquendo!" asik niya.
Galit na galit talaga si Serene parang sasabog na siya sa sobrang galit.
Nag iwas ng tingin ang nakatatanda niyang kapatid. "Mahal ko siya."
"Kaya nakuha mong talikuran ang nagluwal sayo, ganoon ba?! Hindi mo pinakinggan si Mommy at tinuloy mo pa din iyong pagpapakasal sa kanya. Alam mo bang ako ang mahal niya? Ako ang mahal niya Selene! Magising ka sa katotohanan!" sigaw niya.
BINABASA MO ANG
Black Eternity Series: OSHIRI (COMPLETED)
RomanceBlack Eternity Series FORTEZA MAFIA Oshiri Oquendo