Black Eternity Series
Oshiri Oquendo
My Ex's Daughter~
“ANONG sinabi mo?! Magpapakasak ka?!” Galit na galit ang kanyang ama habang sinasabi iyon. Uusok na nga ang ilong nito sa galit.
Sinabihan na niya kasi ang mga magulang niya ang desisyong pagpapakasal niya kay Oshiri. Wala nang kasing saya iyong nararamdaman niya ngayon. Kaya naman niya sigurong pagsabayin ang pag aaral niya at ang pagpapakasal niya sa binata. Mahal na mahal niya talaga si Oshiri at nawala na ang lahat ng mga bumabagabag sa isip niya noong may nangyari sa kanila ng binata. Naipaliwanag naman na ni Oshiri ang parte nito sa kanya.
“Dad.. I'm sorry po. Mahal ko po siya at napag-desisyunan ko pong pumayag na magpakasal sa kanya.”
Sa totoo lang ay nahihiya siya sa mga magulang niya dahil lumalabas na wala siyang utang na loob sa mga ito dahil sa mga pinagsasabi niya pero masisisi niyo ba siya? Bibihira niya lang namang naramdaman ang tunay na kalinga ng mga magulang sa kanya lalo na ang kanyang ama. Hindi nama siguro masama kung maghahanap siya ng nararapat na atensyon at pagmamahal, natagpuan niya iyon kay Oshiri Oquendo.
“Aba Selene! Sumusobra naman yata 'yang kalandian mo. Halos dalawang linggo pa lang ang nakalipas ng ilibing ang kapatid mo tapos bigla mong sasabihing magpapakasal ka?! Umayos ka a talagang sasamain ka na sa akin.” muling asik ng kanyang ama.
Napatayo siya sa kinauupoan niya. “Bakit Dad? Hindi ba't wala naman kayong pakialam sa amin kaya huwag mo nang banggitin pa ang yumao kong kapatid. Payapa na si Serene kung nasaan man siya.” Sagot niya. “Diba't binalak niyon din naipakasal ako sa anak ng business partner niyo?! Twenty-two years old na ko Daddy! Kaya ko ng magdesisyon para sa sarili ko. Isa pa, may nangyari na sa amin.”
Huli na para bawiin niya pa ang huling sinabi niya. Dumapo na ng malakas ang palad ng kanyang ama sa kanyang pisngi. Napabaling pa sa kabilang banda ang kanyang mukha.
“Rigor tama na 'yan!” Makailang ulit na bang sinasaway ng kanyang ina ang Dad niya, pero hindi nito pinapakinggan ang Mommy niya.
“Namana pala ng anak mo iyang kalandian mo e!” dinuro siya ng kanyang ama. “Malandi kang hayop ka! Sino ba yang putang inang hampaslupang dumali sayo? Papatayin ko siya.”
Taas noo niyang hinarap ang ama. “Mayaman siya Daddy! Sobrang yaman niya pa sa inaakala mo kung 'yan ang pinuputok ng butsi mo. Wala pa sa kalahati ng mga ari-arian niya ang mayroon tayo pero hindi iyon ang ginusto ko sa kanya. Mahal ko siya Dad kaya pakakasalan ko po siya.” hindi niya mapigilan ang pagtaas ng tinig.
Somehow, kumalma naman ang kanyang ama. As expected for a man who's blinded by money and fame.
“Mayaman naman pala, mahuhuthutan ng pera.” Ngiting aso pa itong bumalik sa kinauupoan nito. “Papayag akong magpakasal ka sa kung sino man 'yang Poncio Pilato na yan. Basta't bayaran niya ako ng isang daang bilyon.”
Hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa ama. Sarili niyang ama pa talaga ang nagsabi noon na para bang binebenta siya nito sa lalaking mahal niya.
“Rigor ano ba?! Mukha ka ba talagang pera?!”
Nagsindi ng sigarilyo ang kanyang ama. “Manahimik ka Selvestra, mas mukha kang pera malandi ka pa.”
Napahilamos ng mukha si Selene gamit ang palad niya. Hindi talaga siya makapaniwala sa mga pinagsasabi ng ama niya sa kaniya at sa ina niya.
“Bahala ho kayo sa buhay niyo. Umattend man kayo o hindi matutuloy ang engagement party ko, nandon man kayo o wala.” bumaling siya sa ina. “I'm sorry Mommy.” aniya bago tumakbo papunta sa kanyang silid.
BINABASA MO ANG
Black Eternity Series: OSHIRI (COMPLETED)
RomanceBlack Eternity Series FORTEZA MAFIA Oshiri Oquendo