Black Eternity Series
Oshiri Oquendo
My Ex's Wife~
PINILIT NI Serene na tanggapin ang lahat. Gaya ng dati, bumangon siya matapos ang katakot takot na mga pangyayari sa buhay niya, hindi siya nag break down, gusto niyang ipakita na nag mature na siya at kaya na niyang harapin ang mga bagay bagay. Bumalik siya ng Pilipinas para magkaayos sila ng ate Selene niya, bumalik siya ng Pilipinas para sa kapatid at ama niya. Gusto niya bago sumunod sa kanya si Sym kasama si Karen ay maayos na ang lahat dito. Saka nalang siguro niya dadalawin ang li.. Libingan ni Oshiri.
Kailangan niyang tanggapin kahit na mahirap. Kailangan dahil iyon naman makakabuti sa kanya. Iyon lang.
Kapag kasi hinayaan niya pa ang sarili niya na lamunin ng lungkot ay baka hindi na niya talaga kayanin at tuloyan na siyang mawala sa sariling katinoan.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga bago tumingo sa maliit na puting papel na hawak niya. Iyon daw kasi ang bagong address ng kapatid niyang si Selene ayon kay Haze. Mukhang maganda naman pala ang naging buhay ng kapatid niya mula ng umalis siya, ang balita niya ay nakapag asawa na 'to.
Kinakabahan siyang pinindot ang doorbell sa gilid ng malaking kulay berdeng gate. Hindi naman nagtagal ay pinagbuksan siya ng gate, isang babaeng nakasuot ng uniform na made na may buhat buhat na batang babae ang sumalubong sa kanya.
Napatitig siya sa batang babaeng may subo subong pacifier, sa tantya niya ay dalawang taong gulang na ito at hindi maipagkakailang anak ng kapatid niya dahil kamukhang kamukha ito ni Selene.
Bumalik lang siya sa reyalidad ng magtanong ang maid sa kanya. "Ano hong kailangan nila?"
"I am looking for Selene Amorsolo-Alvalde, I am her sister. Nandito ba siya?!" magalang na sagot niya.
Tumango naman iyong maid. "Pasok ho kayo Ma'am, nasa taas pa po kasi si Ma'am Selene, sandali at tatawagin ko lang ho."
Pinapasok na siya ng maid para bang hindi na ito nag alinlangan sa kanya. Anyway, wala naman siyang masamang balak kaya siya narito.
Papanhik na sana sa taas iyong maid ng tawagin niya itong muli.
"Sandali." Lumingon ito sa kanya. Napatingin siya sa batang buhat buhat nito. "Anak ba yan ni Ate Selene?"
"Oho Ma'am."
Napalunok siya, hindi niya alam kung bakit bigla nalang sumikip ang dibdib niya. Bigla niya kasing naalala iyong anak niya sana. Iyong batang hindi nabigyan ng pagkakataong makilala sa mundo dahil kinuha na ito kaagad sa kanya. At napaka imposible ng magka-anak pa siya dahil napakaliit nalang ng tyansa niyang magbuntis.
Napatingin siyang muli sa batang babae. "P-pwede ko b-bang ha-hawakan?!"
Hindi niya alam kung bakit nanginginig siya pero gusto niya talagang mahawakan. Gusto niyang maramdaman kung ano ba ang pakiramdam na maging isang ina na bumubuhat sa batang paslit sa kanyang braso.
Ngumiti naman iyong maid sa kanya at saka lumapit. Akmang ibibigay na ito sa kanya ng magsalita ang pamilyar na boses mula sa kung saan.
"Cora, sino ang bisita?!" anang kanyang nakatatandang kapatid na kasalukuyang nakatayo sa gitnang palapag ng hagdan. Nanlaki pa ang mga mata nito ng makita siya. "S-serene.."
She smiled even if she's teary eyed. "A-ate.."
Kaagad itong bumaba upang salubongin siya. "Kailan ka dumating? Nasaan sina Mama at Sym? Oh God Serene, patawarin mo sana ako. I'm so sorry for everything."
Hindi na nakatiis pa si Serene at niyakap na niya ng mahigpit ang nakatatandang kapatid kasabay ang pagbuhos ng mga luha niya.
IBINABA NI Serene ang tasang iniinoman niya habang nagk-kwentohan silang magkapatid. Lumipat kasi sila sa malawak na hardin nito at doon sila nagkwentuhan kasama ang dalawang taong gulang na anak nitong si Jozaida. Habang nag k-kwento ang kapatid niya kung paano ito nagbuntis hanggang sa nanganak ay nakaramdam siya ng inggit, ganoon din sana siya kung hindi lang pinagkait sa kanya ang lahat but then, masaya naman siya para sa kapatid niya. Mukhang mabait naman ang napangasawa nito at sa tingin niya ay naalagaan nito ng maayos ang Ate Selene niya at si Jozaida.
BINABASA MO ANG
Black Eternity Series: OSHIRI (COMPLETED)
Storie d'amoreBlack Eternity Series FORTEZA MAFIA Oshiri Oquendo