Chapter Two

32.9K 759 23
                                    


Black Eternity Series
Oshiri Oquendo
My Enemy's Daughter

HINDI ALAM NI Selene kung saang lugar ba siya dinala ng estrangherong lalaki na nakapagaanan ng kanyang loob

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HINDI ALAM NI Selene kung saang lugar ba siya dinala ng estrangherong lalaki na nakapagaanan ng kanyang loob. Mukha namang harmless ang lalaki kaya hindi siya ganoon natatakot. Ang iniisip niya kasi ay kailangan na kailangan niya ng taong makakausap ngayon. Kailangan niya ng taong mapaglalabasan ng lahat ng sama ng loob niya at kailangan niya ng taong makakaintindi sa kanya.

Sa totoo lang, pagod na pagod na siya at kahit na gustohin man niyang magpahinga ay hindi niya magawa dahil iniisip niya ang mga kapatid niya. Iniisip niya na kapag nawaka siya, paano nalang ang mga ito?! Siya na nga lang ang inaasahan nina Serene at Symory na mag-aasikaso sa kanila, siya pa itong susuko. Hindi siya pwedeng sumuko. Hindi kailanman.

Inilibot niya ang kanyang tingin sa sobrang laking lugar na pinagdalhan sa kanya ng binata. Bahagya pa siyang nagulat kanina dahil hindi niya akalain na may ganito kalaking mansion na pag aari ang binata. Hindi niya alam na napakayaman pala nito. Well, alam niyang may karangyaan itong tinatamasa, ngunit hindi ganito kayaman.

Napako ang kanyang tingin sa malaking portrait na naroon. Nasa gitna ito ng living room. It was a portrait of a woman. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito ngunit malakas ang pakiramdam niya na kilala niya ang taong iyon. Parang pamilyar.

"Feel at home Miss." Anang baritonong boses mula sa kanyang likoran.

Agad siyang napalingon. Pinilit niyang ngumiti pero hindi niya magawa. Puno pa din kasi ng kalungkutan ang kanyang puso't isipan.

Tumungo siya. "P-pasensya k-ka na sa abala.."

"Are you not comfortable here?! Come on, let's take a sit." Alok nito sa kanya.

Tumango lang siya ng bahagya. Hindi niya kasi alam kung paano niya pakikisalamuhaan ang binata. Napakayaman nito at panigurado siyang wala pa sa kalahati ng yaman nito ang yaman nila.

Sumunod nalang siya sa binata. Naupo sila sa isang mamahaling sofa. Itsura pa lang ay eleganteng elegante na ito. Para bang pag aari ng Hari at Reyna.

Nakita niyang may lumapit sa binata na isang katulong--maging ang suot ng mga tagapagsilbi ay may class din kung tingnan.

"Anything you wished for, Lord Oshiri?!" Anito na mukhang sanay na sanay na.

Napalunok si Selene ng titigan siya ng binatang nagngangalang Oshiri Oquendo, hindi niya alam kung bakit ganoon ang pagtitig nito sa kanya pero isa lang ang masasabi niya. Sa uri ng pagtitig nito, alam niyang may kakaiba sa kanya. Dahil hindi niya alam kung bakit ang bilis bilis ng tibok ng puso niya at para bang kakaposin siya ng hininga.

Oshiri cleared his throat that made her mind back to reality. "Give us some food. The usual." His baritone voice filled the whole living room.

Umalis naman ang servant at naiwan silang dalawa ni Oshiri sa malawak na living room nito.

Black Eternity Series: OSHIRI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon