Black Eternity Series
Oshiri Oquendo
My Ex's Daughter~
BRAIN TUMOR?! Ilang beses na sinearch ni Serene ang tungkol sa sakit na iyon at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. Paanong nangyari iyon? Bakit si Oshiri pa? Ngayon pa kung kailan inaayos na nila ang nasirang kahapon. Bakit ngayon pa?! Panay ang hagulgol ni Serene, hindi niya kayang makita si Oshiri dahil natatakot siya, natatakot siya na baka isang araw ay iwanan nalanh siya nito, na hindi na dumilat pa ang mga mata nito. Oo, ngayon ay naduduwag siya, ang sakit sakit kasi ng mga nalaman niya. Bakit ba hindi ito sinabi agad sa kanya ni Oshiri?! Bakit hindi?! Ang sakit sakit na malamang may malalaking sakit ang taong mahal mo. Hindi na niya alam kung ano ba ang gagawin niya?! Ang sama sama talaga ng nagsulat sa storya niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa din nito tinatapos ng matiwasay ang storya, hanggang ngayon ay pinahihirapan pa din siya. Bitter siguro ang taong iyon.
Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Serene upang pakalmahin ang sarili, hindi naman siya nag tagumpay dahil panay ang pagtulo ng mga luha niya.
Bakit ngayon pa nangyayari ang mga bagay na ito?
Pinahid ni Serene ang mga luha niya, how fool she is to cry, ang dami dami na nilang napagdaanan ngayon pa ba siya susuko?!
Tumayo na siya para puntahan sana si Oshiri nang mag ring ang cellphone niya. Nakita niya ang mukha ng ate niya na lumabas sa screen ng cellphone niya.
Kaagad niya iyong sinagot.
"Hello?!"
"Serene nakita ko na kung nasaan si Dad." anito sa kabilang linya.
Hindi na nakasagot pa si Serene, siguro ay uunahin niya muna ang sa Dad nila bago ang kay Oshiri, mapag uusapan naman nila iyon after nilang makita ang Dad nila.
Sinabihan niya ang Ate Selene niya na pupunta na siya. Doon nalang sila magkikita sa tinutuloyan ng ama. Binilinan niya si Dana na bantayan muna si Sym, hindi naman nila pwedeng isama si Symory ngayon dahil baka mas lalo lang itong magulohan sa mga nanyayari.
Nakarating si Serene sa address na ibinigay sa kanya ng Ate niya. Kaagad niyang natanaw ang sasakyan ng Ate niya. Mukhang hindi din nito sinama ang asawa't anak.
"Ate.. Sigurado ka bang dito nakatira si Dad?!" kaagad niyang tanong.
Tumango naman ito sa kanya. Napalingon siya sa malaking mansyon, hindi ito kasing laki ng mansyon na tinitirahan nila dati ngunit mapapansin mong marangya ang buhay ng nakatira dito ngayon.
So, may pera pa din pala ang Dad nila. Hindi pala ito nalulong sa sugal kung gayon.
Si Selene na ang nag doorbell sa gate, ilang minuto pa ang nakalipas ng lumabas ang isang dalaga na may pagkakahawig sa dati niyang bodyguard na si Dana.
"Dina?!" biglang sabi ni Selene na para bang kilala nito ang babae. "Anong ginagawa mo dito?!"
Ngumiti ito sa kanila. "Lady Selene.." lumingon ito sa kanya. "Madame Serene." bati nito sa kanya. "Inutusan po ako ni Lord Oshiri na bantayan ang ama niyo, dalawang taon ko na ho itong ginagawa. Tara na po sa loob?"
Bagama't nagugulohan pa silang magkapatid ay pumasok na sila, sumunod sila kay Dana hanggang sa makarating sila sa isang silid. Dahan dahan iyong binuksan ng dalaga.
Sabay silang napasinghap ng malakas ng makita ang kalagayan ng ama. Sa tabi nito ay isang nurse, habang ang kanilang ama naman ay nakaratay lang sa kama. Ang laki ng tinanda nito at para bang hindi na ito maka-kilos o makapagsalita man lang.
"Mahina na po ang katawan ng Dad niyo, kung pinabayaan po siguro siya ni Lord Oshiri ay hindi na tumagal pa ang buhay niya. Pinahina ng droga ang katawan niya hanggang sa tuloyan ng na-paralyzed ang ama niyo po. I'm sorry to say this po pero bilang nalang po ang mga araw niya. Unti unti na po siyang kinakain ng kahinaan."
BINABASA MO ANG
Black Eternity Series: OSHIRI (COMPLETED)
RomanceBlack Eternity Series FORTEZA MAFIA Oshiri Oquendo