Chapter Five

26.5K 741 42
                                    


Black Eternity Series
Oshiri Oquendo
My Enemy's Daughter

~

NAPALUNOK SI Serene ng bumukas ang pinto. Kinakabahan kasi siya na baka galawin nanaman siya noong Oshiri kahit na hindi nito tinantanan ang buong katawan niya magdamag. Nagsisisi nga siya dahil may parte sa utak niya na nagustohan ang nangyari kagabi except doon sa mga brutal parts. Siguro ay nasasanay ng tunay ang mura niyang katawan sa ginagawa nito. Aminin man niya o hindi, unti-unti na niyang nayayakap na isa siyang preso ng pagnanasa ng binata. Tutal ay walang wala naman na siyang dignidad, sasadin na niya. Wala naman ng mawawala sa kanya dahil nakuha na nito ang pagkabirhen niya. Siguro ay kailangan nalang niyang tanggapin ang katotohanang habang buhay na siyang ganito. Pagsasawaan ni Oshiri ang mura niyang katawan.

Masakit iyon sa parte ni Serene dahil ipinangako niya sa Ate niya na tutularan niya ito, na hindi niya ibibigay ang pagka-birhen niya sa kung sino lamang. Dapat ay sa magiging asawa niya lang. Kaso wala e, pilit na kinuha sa kanya ito.

Nawala ang kaba niya sa kayang dibdib ng makita niya ang pamilyar na bulto ng babaeng pumasok sa silid.

Si Dana,

Ito iyong araw araw na naglilinis at nagpapakain sa kanya. Siguro ay ka-edad nito ang Ate Serene niya. Nakaramdam siya ng pangungulila.

"Ginalaw ka nanaman ba ni Lord Oshiri?!" Tanong nito habang pinupunasan ng malinis na basang bimpo ang kanyang mukha.

Dahan dahan siyang tumango kasabay noon ang paglandas ng mg luha niya.

Napailing naman si Dana. "Huwag ka ng umiyak. Wala namang magagawa iyan Serene. Tanggapin mo nalang na na-trap kana dito." Nagyuko ito ng tingin. "Wala ng kahit na anong paraan para makatakas ka sa kanya."

Napakapit siya ng mahigpit sa braso nito. Alam niyang ilang beses na siyang nagmakaawa na tulongan siya nitong makaalis dito. At alam niya naman kung ano ang panay nitong sinasagot sa kanya.

"Pasensya ka na Serene. Naawa ako sayo pero ang loyalty ko na kay Lord Oshiri. Malaki na ang naitulong niya sa pamilya ko kaya kahit kailan hindi ko siya maaring bigoin. Pasensya na."

Muli siyang nanlumo sa sinabi nito. Napangiti na lamang siya ng mapait. Mukhang kailangan na niyang simulang tanggapin ang pagiging babaeng puta ni Lord Oshiri Oquendo.

NAPANGITI SI Selene habang tinitingnan ang isang bouquet ng white lilies na idiniliver sa eskwelahan niya. Nagtilian pa nga iyong mga ka-klase niya ng may kumatok na delivery boy at sinabing para daw sa kanya iyon. Maging siya ay hindi makapaniwalang makakatanggap siya ng ganoon ngayong araw ngunit agad siyang napapangiti sa tuwing binabasa niy iyong note na nakalagay doon.

Have a nice day cara mia - Oshiri

Nagulat siya ng may pabirong humampas sa kanyang braso. Iyong ka-klase niya iyon, si Dina ngingiti ngiti ito ng nakakaloko sa kanya.

"Uyy," Tudyo nito. "Sino ang nagbigay sayo niyan? Patingin nga?!"

Bago pa man siya makatanggi ay nahablot na nito ang notes aa bouquet at nagsimulang basahin iyon.

"Have a nice day cara mia, aysus!" Sinundot sundit nito ang tagiliran niya. "Italian pa yata itong manliligaw mo."

Napangiti siya. "Maharot ka talaga Dina. Akin na nga iyan."

Umupo ito sa tabi niya. "Gwapo ba? Kwento ka naman kung saan kayo nagkakilala."

Pabiro niya itong inirapan. "Hay naku! Magtigil ka nga Dina. Wala akong iku-kwento sayo."

Napanguso naman ito, animo'y nagtatampo. Minsan nga ay naalala niya ang kapatid niyang si Serene dito dahil halos magka-edad lang ang dalawa, mas matanda lang si Dina ng isang taon at saka maaga itong nag aral kaya nasa iisang klase na sila kahit na medyo bata pa ito.

Black Eternity Series: OSHIRI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon