Black Eternity Series
Oshiri Oquendo
My Ex's Daughter~
PUNO NANG pagtataka si Selene ng magising siya kinaumagahan na wala na sa tabi niya si Oshiri. Hindi ba't ngayon na ang kaarawan nito?! Nasaan naman kaya iyon? Bakit siya iniwan dito sa silid. Bigla na lamang kumorte sa isang ngiti ang kanyang mga labi, iniisip niya kasi na may ihinahanda nanaman itong sorpresa sa kanya. Goodness! Imbes na siya dapat ang manorpresa sa binata dahil kaarawan nito, ito nanaman pala ang gagawa ng mga bagay na ikasu-sorpresa niya. Tumayo na si Selene sa kama at saka dumiretso sa banyo upang maligo.
Pagkatapos niyang maligo at magbihis, lumabas na siya ng silid. Bumadha ang gulat sa kanyang mukha nang makita ang ka-klase niyang si Dina na nasa loon ng yacht na iyon at naka suot ng office attire.
"Good Morning Lady Selene." Bati nito.
Pormal na pormal ito at para bang hindi ito umaasta na magka-klase sila.
"D-dina? A-anong ginagawa mo dito?!"
Nagugulohan siya sa totoo lang, paanong mapapadpad dito ang classmate niya? Unless, may kaugnayan ito kay Oshiri Oquendo.
"I'll explain later, Lady Selene. As of now, Lord Oshiri wanted me to accompany you home. He has an important meeting to attend today."
Napaawang ang labi niya. "In his birthday?! May importanteng meeting siya sa araw mismo ng birthday niya?" Hindi niya maiwasang mainis. Nag expect pa naman siya. "Teka nga, ka-ano ano ka ba niya?"
"I believe that I already told you that I'll explain everything once that we got back in the Philippines. Now, let's go Lady Selene, the chopper is waiting for us outside."
Bumuntong hininga siya at walang nagawa kundi ang sumunod sa gusto ng ka-klase niya. Nakakalungkot na napurnada ang napaka-iksi nilang bakasyon pero naiintindihan niya, mukhang sobrang importante ng meeting ng binata at nakuha nitong umalis nang walang paalam sa kanya.
TAHIMIK lang si Selene habang nakasakay na sa kulay puting limousine. Nasa Pilipinas na sila at habang nasa byahe sila ay sinabi sa kanya ni Dina na nagtatrabaho ito kay Oshiri Oquendo na nagkataong manliligaw niya. Iyon lang ang sinabi nito, humingi naman siya ng tawad sa inasal niya kanina dahil nairita siya. Maling mali talaga iyon. Napabuntong hininga siya, naisip niyang tawagan ang binata kaya kinuha niya ang cellphone niya sa mamahalin niyang shoulder bag kaya lang ay bigla nalang nahulog ang wallet niya. Bumuka pa ito kaya naman nagsilabasan ang mga credit cards niya na hindi naman niya nagagamit. But then, the picture of her sister caught her attention.
Bigla siyang kinabahan nang titigan niya ang nakangiting mukha ng kapatid sa larawan. Kaagad niya iyong pinulot at saka hinawakan ng mahigpit.
"Serene.." mahinang bulong niya.
God! Pakiramdam niya ay may masamang nangyari sa kapatid niya. Huwag naman sana..
Nakarating sila sa bahay niya. Nagpasalamat na siya kay Dina sa paghatid at inalok niya itong pumasok muna sa loob para makapag meryenda muna ngunit magalang naman itong tumanggi, marami daw kasi itong aasikasuhin sa Oshini Mansion. Naiintindihan naman niya iyon kaya hinayaan niya na lang itong makaalis.
Pumasok na siya sa loob ng mansion nila. Napansin niya agad ang sasakyan ng mga magulang niya at ang isang police mobile.
Bigla siyang kinabahan. Tumakbo na siya papasok sa bahay nila at sa living room niya naabotan ang mga magulang kasama si Symory at ang mga pulis. Panay ang hagulgol ang kanyang ina kaya kaagad siyang lumapit sa mga ito.
"Ano pong nangyari??" Ibinaba niya ang kanyang bag at tumabi sa ina.
"Inuna mo pa kasi ang paglalandi mo." Inis na sabi ng kanyang ama.
BINABASA MO ANG
Black Eternity Series: OSHIRI (COMPLETED)
RomanceBlack Eternity Series FORTEZA MAFIA Oshiri Oquendo