Chapter Twenty

23K 687 101
                                    

Black Eternity Series
Oshiri Oquendo
My Ex's Daughter

~

NAKARATING si Serene sa Oshini Mansion. Kaagad siyang nagtungo sa silid ng binata. Galit na galit siya, sobrang galit niya. Sasabog na talaga si Serene sa sobrang galit. Ang dami niyang gustong gawin, ang dami niyang gustong sabihin sa binata at hindi na iyon mapagpapabukas pa, kailangan na niyang mailabas ang matinding galit niya bago pa siya mawala sa sarili.

Sa totoo lang, nandidiri na siya ngayon kay Oshiri. Diring diri siya sa mga pinag gagawa nito sa kanilang mag iina. Napakawalang kwenta nitong tao. Napakawalang puso. Maling mali na minahal niya pa ang binata. Sana ay hindi niya hinayaang mabulag siya sa pag mamahal niya para dito.

Nadatnan ni Serene ang binata sa silid nito. Nakaupo ito sa pang isahang sofa habang tinutungga ang hawak hawak nitong mamahaling alak.

Napatayo ito ng makita siya. Mabuti naman at mukhang nasa inhibihasyon pa ang binata.

Kaagad na nilapitan ito ni Serene at sinampal ito ng ubod lakas. Kahit na anong pigil niya sa mga luha niya ay hindi niya magawa dahil nag uunahan ng magbagsakan iyon. Pinagbabayo niya ang binata kasabay noon ang malulutong niyang mga mura.

"Wala kang puso! Wala kang puso, Oshiri! Hindi ka tao!" sigaw niya.

Ang sakit sakit na kasi, nabuntis nito ang Mommy niya at si Sym ang naging bunga, nabuntis siya nito pero nakunan naman siya dahil sa kahayupan nito tapos ang ate Selene niya, nag dadalang tao din at si Oshiri din ang may gawa. Isa siyang nakakadiring nilalang! Walang puso.

"Wala kang puso! You're a heartless monster." She cried and cried.

Hinawakan naman ng binata ang mga braso niya at saka hinapit siya payakap sa bisig nito.

"If I am a heartless monster, tell me, why my heart is beating for you?! Why Serene?! Mahal na mahal kita at hindi ko kayang mabuhay ng wala ka."

Kumalas siya sa pagkakayakap nito at saka malakas na pinagsasampal si Oshiri. Galit na galit siya na gigil na gigil. Parang gusto niyang iparanas dito iyong sakit na nararamdaman niya.

"Serene.. My angel, stop! I can't bare to see you like that." Umiiyak na anito.

"You're a heartless monster! You killed my child! You impregnated my mother and also my sister! Nakakadiri ka Oshiri! Nakakadiri ka!" sinuntok niya ng tatlong beses ang dibdib nito. "Nakakadiri ka!"

Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ng binata. Alam niyang isang malaking bomba ang pinsabog niya dito, dala iyon ng nag uumapaw niyang galit.

"Hindi mo alam?! Anak mo si Sym! Anak mo siya! Buntis ang Ate ko! Tang ina mo Oshiri, isa kang nakakadiring nilalang! Pinatay mo ang anak ko?! Gaano ka kahayop, ha?!"

"I didn't k-know.."

Sinampal niya ito. "You don't know because you're full of anger and revenge! I hate you Oshiri! I hate you so much. Naghihiganti ka?! Naghihiganti ka, ha?! Sana pinatay mo nalang ako! Sana noong sinakal mo ko tinuluyan mo na ko kasi sa totoo lang Oshiri, sa mga nalaman ko ngayon pakiramdam ko patay na ko! Patay na ko Oshiri! Alam mo bang dahil sa ginawa mo sakin hindi na ako magkaka-anak.." humina ng bahagya ang boses niya. Ang sakit sakit! "Hindi na ko magkaka-anak Oshiri, maliit na ang tyansa na magka-anak ako. Ninakaw mo na nga ang ka-inosentehan ko, ninakaw mo pa ang pagkakataong maranasan kong maging ina! Napakawalang puso mo, Oshiri!"

Unti unting napaupo sa sahig si Serene. Grabe! Hindi niya akalain na mangyayari ang bagay na ito sa buhay niya. Para bang napakasama naman ng taong sumulat ng storya niya kung nasa teleserye lang siya at pinaparusahan siya ng author na lumikha sa kataohan niya.

Black Eternity Series: OSHIRI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon