Black Eternity Series
Oshiri Oquendo
My Ex's Daughter~
MAGKAIBA ang naging takbo ng buhay ng magkapatid, kung si Selene ay abala sa preparasyon sa kanyang nalalapit na pagpapakasal sa lalaking mahal nito, si Serene naman ay abala sa pagpapagaling, unti unti ay muli na siyang nakakaramdam at iyon ay sa tulong ni Oshiri. Halos kada katapusan ng isang linggo ay nagtutungong Mexico ang binata para tingnan ang kalagayan ni Serene. Umaasa pa rin ito na makaka-recover na kaagad ang dalaga.
MASAYANG masaya si Selene habang tinititigan ang wedding gown na ipinagawa niya sa isanh sikat na wedding designer. God! Ang bilis ng panahon para bang kailan lang nang pagplanohan nila ng fiance niya ang tungkol sa pagpapakasal, ngayon ay sa isang araw na ang pinaka-espesyal na mangyayari sa buhay niya. Kaya lang may problema, pakiramdam niya kasi ay lumalayo ang loob ni Oshiri sa kanya. Tsaka panay itong wala tuwing sabado ng gabi at lunes na ng umaga ang balik nito.
Napabuntong hininga siya. Hindi niua alam kung saan nagpupunta ang binata magmula kasi ng lumipat siya sa poder nito ay naging abala naman ang binata sa kung anong bagay. Naiintindihan naman niya iyon dahil alam niyang busy na tao ang mga katulad ni Oshiri kaya lang hindi niya maiwasang magtampo kasi parang hindi na sila tulad ng dati.
Pababa siya sa malaking hagdan ng makita niya ang binata na nasa baba nadin at inaayos nito ang pagkakabutones ng kulay itim na coat nito.
“Oshiri.” tawag niya sa binata.
Agad naman siyang nilingon ni Oshiri, ngumiti ito ng tipid sa kanya hindi tulad dati na napaka tamis ng mga ngiti nito sa tuwing nakikita siya.
“How are you babe?” Tanong nito.
Lumapit sa kanya ang binata ng tuloyan na siyang makababa sa hagdan at saka hinalikan siya nito sa pisngi.
“Aalis ka nanaman? Sa susunod na araw na ang kasal natin.” may himig ng pagtatampo sa kanyang tinig.
“This is a very important matter babe. I need to go, babalik ulit ako mamayang gabi.” sagot nito sa kanya.
Ngumiti ng mapait si Selene, bakit ganoon? Pakiramdam niya ay babae ang pupuntahan ni Oshiri at iyon ang mas importante kaysa sa nalalapit nilang kasal. Tatlong buwan na siya lang ang abala sa preparasyon para sa kasal nila. Gusto niya sanang tanongin ang binata kung may paki paba ito sa kanya kaya lang natatakot siya kapag hindi niya nagustohan ang sagot nito. Natatakot siya kasi iba na ang pakiramdam niya pero pilit pa din siyang kakapit dahil mahal niya ang binata.
“Saan ka pala pupunta?”
Sana hindi sa Mexico tulad noong mga nakaraang linggo.
“In Mexico.”
Again? Hindi niya mapigilang madismaya at napansin yata iyon ng binata kaya hinawakan siya nito sa magkabilang balikat.
“Don't be so sad, babe. I'll be here later this evening.” dinampian siya nito ng mabilis na halik sa labi. “Why don't you invite your parents tonight? Mas maganda siguro na makilala na nila ako, baka nagagalit na sipa sayo dahil sa susunod na araw na ang kasal natin pero hindi pa nila ako nakikita dahil masyado akong abala sa business trip ko sa Mexico.”
Doon lamang siya napangiti. At last, makikilala na din ng mga magulang niya si Oshiri kahit na mukhang hindi naman interesado ang ama niya dahilas interesado ito sa pera ng mapapangasawa niya.
“Talaga? Maaga kang babalik?” Puno ng excitement na aniya.
Tumango ito. “Yup, for you babe.” he playfully winked at her.
Hindi niya mapigipang napapalakpak. “Magluluto ako ng madami mamaya.”
“Sure, magpatulong ka sa mga cook natin.” muli siya nitong hinalikan sa pisngi bago nagpaalam. “I better get going.”
BINABASA MO ANG
Black Eternity Series: OSHIRI (COMPLETED)
RomanceBlack Eternity Series FORTEZA MAFIA Oshiri Oquendo