Chapter Twenty-Nine

25.3K 677 19
                                    

Black Eternity Series
Oshiri Oquendo
My Ex's Daughter

~

NAGTAKA SI Serene dahil buong maghapon niyang hindi nakita si Oshiri halos kakatapos lang din ng libing ng kanilang ama noong nakaraang araw hindi na nila pinatagal pa ang burol nito. Nasaan na kaya ang asawa niya, tanging si Sym lang at ang mga taohan ng binata ang nakikita niya. Nasaan naman kaya iyon?! Kanina ng tanongin niya si Dana ay ngumiti lang ito sa kanya. Ayaw pa naman niyang nawawala si Oshiri sa paningin niya ngayon lalo na't hindi naman lingid sa kaalaman niya ang kalagayan nito ngayon.

She sighed. Hanggang ngayon ay hindi niya pa din matanggap.

"Madame Serene."

Napalingon siya kay Dana ng tawagin siya nito. Nagtaka pa siya dahil may dala dala itong kulay puting dress.

"Para saan ang mga iyan?!" tanong niya.

Ngumiti ito sa kanya. "Pinapasabi po ni Lord Oshiri na suotin niyo daw po ito at magkita daw kayo sa hardin ngayong hapon."

Hindi niya maiwasan ang mapangiti, mukhang balak pa yata siyang sorpresahin ng asawa niya. Kaya naman ginawa nalang niya ang sinabi ni Dana, sinuot niya ang dress na iyon at inayosan niya ang kanyang sarili na naa-ayon sa dress na suot niya.

Sa totoo lang, nakikinita na niya ang susunod na mangyayari.

Napangiti siya sa harapan ng salamin ng makita niya ang repleksyon ng sarili. Tumayo na siya at saka lumabas ng silid upang tungohin ang hardin ng Oshini Mansion.

Habang papalapit siya sa naturang lugar ay palakas ng palakas ang kabog ng kanyang dibdib, this is it. Malakas talaga ang kutob niya na ikakasal sila ulit ni Oshiri ngayong araw lalo na't third year wedding anniversary nila ngayon.

Akala siguro nito ay nakalimutan niya.

Nasa bungad pa lamang siya ng salubongin siya ng kanyang bunsong kapatid na si Symory.

"Ready, Ate?!" nakangiting anito bago iniabot sa kanya ang isang bouquet ng puting rosas. "You're so beautiful po."

She smiled. Natanaw niya ang Ate Serene niya at ang asawa't anak nito, nakasuot ng kulay asul na dress ang mag ina habang ngingiti ngitinsa kanya.

Alam niyang hindi ganoon kadaling tanggapin ng lipunan ang nangyari sa kanila, ang pag mamanipula sa buhay nila pero alam ni Serene na para sa kanila ng Ate Selene niya ay wala na iyon, tapos na iyon at hindi na dapat balikan. Marunong lang talaga silang tumanggap ng mga pagkakamali.

Nakangiti siya ngunit may mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata, sobrang saya niya actually. Hindi niya nga masabi kung gaano siya kasaya ngayon.

Habang naglalakad sila ni Sym patungo doon sa altar, napansin niya si Haze na nakangiti din sa kanya, mukhang inimbitahan talaga ang dalaga dahil nakasuot din ito ng kulay asul na dress. Naroon din ang mga kasamahan ni Oshiri at halata sa mga mata ng mga ito ang kasiyahan para sa kanilang dalawa.

Huminto sila ni Sym sa harapan ni Oshiri na nakangiti sa kanya. Hinalikan muna nito ang tuktok ng ulo ng kanyang kapatid bago bumaling sa kanya.

Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. "I wanna marry you again my angel."

She smiled while silently crying. "I so love you Oshiri Oquendo."

He smiled at her and kissed her lips gently. God! Mahal na mahal niya ang taong ito at hindi niya talaga kakayanin na mawala ito sa buhay niya.

Inakay siya ng asawa sa harapan ng altar at nagsimula na ang seremonya ng kasal. All this time ay nakatingin lang sa kanya si Oshiri na para bang mine-memorya ang kanyang mukha.

Black Eternity Series: OSHIRI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon