Chapter Twenty-One

22.8K 684 49
                                    

Black Eternity Series
Oshiri Oquendo
My Ex's Daughter

~
ONE OF THE GREATEST DRUGLORDS IN THE COUNTRY SURRENDERED HIMSELF IN JAIL

PARANG NABATO si Serene habang pinapanood ang balita sa TV. Nag check in siya sa isang hotel at doon muna namalagi kasama ang kapatid niyang si Sym. Makailang ulit napakurap si Serene habang pinapanood ang balita sa TV. Gusto niyang tanongin ang sarili niya kung totoo ba ang nakikita niya.

Sumuko si Oshiri sa pulisya? Isuko nito ang kalayaan nito? Is that because of her.

Gusto niyang matawa at mainsulto. Ito ba ang paraan ng binata para makabayad sa mga kasalanang ginawa nito sa pamilya nila?! Ito ba iyon?! Pwes kulang pa, hindi pa iyan sapat sa sakit na nararamdaman niya. Iniisip niya nga na sana ay namatay nalang siya kaysa nakakaramdam siya ng ganitong sakit sa dibdib, parang sinasakal ang puso niya.

Napailing si Serene at wala sa sariling pinatay niya ang TV. Hindi niya kayang panoorin dahil kahit na anong galit niya ay may nararamdaman pa din siyang kalungkutan sa katotohanang hindi na niya makakasama ang binata.

Bigla ay napahawak siya sa impis ng kanyang sinapupunan, napangiti siya ng mapait. Magkaka-anak pa kaya siya? Dapat ba siyang umasa sa maliit na tyansang iyon? Kaso, napagkahirap umasa.

"Ate Rene, why are you crying?!"

Napabaling siya sa pinanggalingan ng inosenteng tinig ng kapatid. Nasa tabi na niya pala ito at bakas ang pag-aalala nito sa kumikislap nitong mga mata.

Umiling siya at saka pinunasan ang mga luha niya, hindi niya namalayang umiiyak na pala siya. "It's nothing my dear, ahm, dito ka lang muna ha? Dadalawin ko muna si Mom."

Balak niya kasi talagang dalawin ang ina niya ngayon.

"I wanna go with you, Ate! Please.. Please.."

Napatitig siya kay Sym, ngayon ay kitang kita na niya ang pagkakahawig nito kay Oshiri bagay na hindi nila napapansin noon. Napabuntong hininga siya, ayaw niyang madamay pa si Sym sa magulong mundong tinatapakan nilang mag iina ngayon. Masyado pa itong bata para harapin ang ganitong klaseng mga problema.

Hinaplos niya ang pisngi ng kapatid. "Sorry baby pero, hindi ka pa pwedeng sumama. Hayaan mo, babantayan ka naman ni Karen."

Si Karen ay ang pinadala ni Haze sa kanila para tulongan siya sa mga pangangailangan nilang magkapatid dito sa Hotel. Mabuti nalang talaga at nariyan ang bago niyang kaibigan dahil wala naman siyang pera sa ngayon para mag provide ng mga pangangailangan nila. Ayaw naman niyang umuwi sa mansion nila dahil hindi niya pa kayang harapin ang ama niya.

MAAGANG umalis si Serene para puntahan ang kanyang ina gaya ng sabi niya. Naiwan si Sym kay Karen. Marami siyang gusto pang itanong sa ina kaya naman balak niya itong kamustahan. Malaki pa rin ang pag aalala niya sa mga magulang dahil alam naman niyang kahit na anong mangyari ay magulang pa din niya ang mga ito. Kung ang parents nga ay may undying love para sa mga anak nila, ganoon din namab siya para sa mga magulang niya.

Huminga muna siya ng malalim bago binuksan ang pinto ng hospital room ng ina. Malakas na pag singhap ang bumungad sa kanya at nang mag angat siya ng tingin. Nakita niya ang kanyang ama na nanlalaki ang mga mata nito habang naka-awang ng bahagya ang labi nito sa pagkagulat.

"G-ghost.."

Ngumiti siya ng tipid. "I'm alive dad," napabaling siya ng tingin sa ina. "you haven't told him yet?"

"A-akala ko, hindi mo na ako babalikan dito Serene." anang kanyang ina.

Halos malusaw siya ng makita niyang naging emosyonal ito. Lumapit siya sa mga magulang upang yakapin ang kanyang ina. Ewan niya ba, hindi niya masikmurang yakapin ang kanyang ama iyon ay dahil alam niyang ito ang puno't dulo ng lahat. But then, at the end of the day, he's still her father. Nothing will change with that.

Black Eternity Series: OSHIRI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon