Chapter Thirteen

23.3K 712 42
                                    

Black Eternity Series
Oshiri Oquendo
My Ex's Daughter

~

BUONG MAGDAMAG na binantayan ni Selene ang kanyang ina na naka-confine na ngayon sa Hospital. Alam niyang dapat ay nagpapahinga na siya ngayon dahil bukas na ang kasal niya pero hindi naman niya maiwan ang kanyang ina. Ang Daddy niya kasi ay parang wala din sa sarili kaya pinaiwan na niya si Sym sa Oshini Mansion dahil sigurado naman siya na mababantayan doon ang kapatid niya.

Naramdaman niya ang paghagod ni Oshiri sa kanyang balikat. Naka tayo pala sa likoran niya ang binata. Hinawak niya ang kamay nitong nakapatong sa balikat niya.

“You should rest.” anito.

Ngumiti lang siya ng tipid ngunit nanatili ang kanyang mga tingin sa kanyang ina.

“I'm okay, hihintayin ko munang magising si Mommy.”

Nag aalala kasi siya para sa kalagayan ng ina. Hindi niya nga lubos na maintindihan kung bakit nga ba ito nawalan ng malay pagkakita nito kay Oshiri. Tinanong niya naman ang binata kung may alam ba ito, nagkibit balikat lamang ito at saka sinabing baka pagod lang ang Mommy niya which is true. Alam niya na napaka-busy ngayon sa Cheese Factory nila. Napaka-workaholic talaga ng ina niya.

“May kukunin lang akong dokumento sa opisina tapos ay babalik din ako kaagad.” Paalam nito.

Nilingon niya ang binata at saka ngumiti. “Mag iingat ka.”

Yumuko pa ang binata upang mabilis na halikan siya sa labi. Sinundan niya naman ng tingin ang binata hanggang sa makalabas na ito ng silid.

Ibinalik niya ang tingin sa ina. Ilang minuto pa ang lumipas bago niya nakita ang marahang pag galaw ng kanyang ina at unti unti na nitong idinilat ang mga mata.

Napatayo siya sa kinau-upoan niya at agad na dinalohan ang ina. Inalalayan niya itong makaupo sa kama.

“Okay na po ba ang pakiramdam mo, Mommy?” Nag aalalang tanong niya.

Napapalatak na napalingon sa kanya ang kanyang ina. Nabigla pa siya ng hawakan nito ang kanyang kamay at saka maluha luhang tumitig sa kanya.

Mas lalo tuloy siyang nag alala. “May problema ba, Mommy? May masakit po ba sa inyo? Sandali po, tatawagin ko po 'yung Doctor.”

“Huwag, anak.” pigil sa kanya ng kanyang ina  “M-may sasabihin lang ako..”

“Ano po 'yon?!”

“Anak, Selene huwag mo siyang pakakasalan.”

Nagulantang si Selene sa sinabi ng kanyang ina. Ano nanaman ba 'to? Ang akala niya ay hindi tutol sa kanya ang kanyang ina sa pagpapakasal nila ni Oshiri. Kaagad siyang napabitaw sa ina.

“Ano po 'yon Mommy?!”

“Hindi mo siya kilala, Selene.” Umiiyak na anang kanyang ina. “Hindi mo siya pakakasalan, iwanan mo na siya. Hindi siya ang taong inaakala mong siya.”

“Ano bang pinagsasabi niyo, Mommy?” Hindi niya maiwasan ang pagtaasan siya ng boses. “Akala ko ba hindi kayo tututol? Ano bang nangyayari sayo, Ma?!”

“Ginagamit ka lang niya!!” balik sigaw ng kanyang ina. “Ginagamit ka lang niya Selene, gumising ka.”

Naiinsulto siyang tumawa ng bahagya dahil sa sinabi ng ina.

“Paanong ginagamit, Mommy?! Hindi niyo nga siya kilala. Mahal ko siya Mommy, pakakasalan ko siya.” Nagbuga siya ng hangin. “Hindi ko alam Mommy kung anong problema niyo sa kanya. Pero kung ano man 'yon, hindi po ako interesado. Pakakasalan ko po siya sa ayaw at sa gusto niyo. Pakakasalan ko siya, naroon man kayo o wala sa simbahan.” Inis na tumalikod siya sa lumuluhang ina. “Nasayang lang iyong pagpunta ko dito dahil lang sa mga walang kwentang sinabi niyo.”

Black Eternity Series: OSHIRI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon