Black Eternity Series
Oshiri Oquendo
My Ex's Daughter~
SA TOTOO lang kanina pa kinakabahan si Serene sa pagdating ng kanilang bunsong magkapatid. Mabuti na nga lang kanina ay hindi naging awkward sina Oshiri at ang Ate niyang si Selene lalo pa't naroon ang asawa nito. Mukha namang naka-move forward na din ang dalawa sa kahapon. Si Sym nalang talaga. Hindi na bata si Sym, eight years old na ito at alam niyang marunong na itong makaintindi ng mga bagay bagay. Idagdag mo pa na sobrang talino ng batang iyon, sa tingin niyo ay matatanggap kaya ni Symory ang lahat ng ito?!
Sabagay, napakahirap naman kasi talagang tanggapin or intindihin man lang ang naging desisyon nila sa buhay. Pare-pareho lang silang nagkamali at walang dapat na sisihin sa mga nangyari.
Isa lang ang naging malinaw kay Serene, hindi sapat ang pag ganti para makamtam mo ang kaligayahan, minsan sapat na ang hanapin mo ang sarili mo ng mag isa. Sapat ng harapin mo ang katotohanang walang magandang patutungohan ang pag ganti.
Revenge doesn't make you stronger.
It doesn't make any sense. Nakakasira lang iyon ng buhay ng bawat isa kaya para saan ang pag hihiganti kung pati sarili mo ay sisirain mo?! Iyon na siguro ang kagandahang aral na mapupulot sa storya ng buhay niya. Ang pag ganti ay isang malaking kalokohan lamang, wala itong maidudulot na maganda sayo at sa mga taong nasa paligid mo. Maari pa itong ikasira ng buhay mo.
Sa kaso niya, tinanggap na niyang nadamay lang sila sa paghihiganti ni Oshiri sa kanyang ina. Oo, nasaktan sila pare-pareho pero wala siyang sinisisi dahil sa huli, naipaglaban niya ang pagmamahal niya para kay Oshiri Oquendo.
Lumayo lang siya pero hindi siya bumitaw. Hindi niya binitawan ang pagmamahal niya para kay Oshiri.
Bumalik lang siya sa reyalidad ng mag vibrate anh cellphone niya. Si Karen iyong tumatawag. Napalingon siya kina Selene na nakatingin na din sa kanya.
Sinagot niya ang tawag. "Hello Karen? Nasaan na kayo?!"
"Nakababa na ho, Ma'am Serene. Nagbanyo lang saglit si Sym." sagot nito sa kabilang linya.
Napatango tango naman siya. "Sige, nandito lang kami sa waiting area. Hihintayin namin kayo dito."
"Sige po." anito bago pinatay ang tawag.
Napatingin siya kay Oshiri. Nakita nanaman niya ang kaba sa mukha nito. Pinisil niya ang braso nito dahilan para mapatingin sa kanya ang asawa.
"Hindi natin siya bibiglain. Sa Oshini Mansion nalang natin sasabihin." nakangiting aniya.
Isang tango lang ang nakuha niyang sagot mula rito. Naiintindihan naman niya ang asawa niya. Kinakabahan lang talaga ito.
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ng asawa. Ngayon ay alam niyang kailangan na kailangan nito ng suporta niya. Ilang saglit pa ay natanaw na nila sina Sym at Karen.
Sym look so badass in this sunglasses and his boots. Ngayon ay kapansin pansin na talaga ang pagkakahawig nito kay Oshiri.
"Sym!" Sabay na tawag nina Serene at Selene sa kapatid.
Itinaas naman ni Sym ang suot nitong sunglasses bago ngumiti sa kanila. Tumakbo pa nga ito papalapit sa kanila at sabik na niyakap silang magkapatid.
"Oh my gosh! I miss you little boy!" anang kanyang ate.
Ngumiti naman si Sym sa kanila. "Ate Serene wanted to cancel my flight today but I don't want to. I missed this country."
"Miss mo ang usok at alikabok?" tudyo niya sa kapatid.
BINABASA MO ANG
Black Eternity Series: OSHIRI (COMPLETED)
RomanceBlack Eternity Series FORTEZA MAFIA Oshiri Oquendo