Black Eternity Series
Oshiri Oquendo
My Ex's Daughter~
AYAW pa sanang iwanan ni Oshiri si Serene sa Isla Selvestra pero kailangan. Alam niya namang nakakaramdam na si Selene sa mga pinag-gagawa niya. Ayaw naman niyang mapurnada pa ang mga plano niya. Kahit anong mangyari kailangan niyang makaganti kay Selvestra, sa kahit na anong paraan. Hindi niya basta basta kayang bitawan iyon. Selvestra damaged him, she ruined his life and this is what she gets, iniisa isa na niya ang mga anak nito maliban nalang kay Serene dahil malalim na ang pagmamahal niya sa dalaga.
Bagama't sobrang minamahal na niya ito, hindi pa rin siguro iyon sapat para pakawalan niya ang mga plano niyang paghihiganti sa ina nito. As long as his wife is in the Island, she is safe from the reality.
Kakapasok palang ni Oshiri sa silid nila ni Selene nang salubungin siya ng dalaga nang kagulat gulat na tanong.
"Saan mo tinago ang kapatid ko?!" Walang emosyon ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
Bumaba naman ang tingin ni Oshiri sa hawak hawak ni Selene na damit. Damn it! Masasakal niya si Dina dahil ibinilin niya dito na linisin ang basement at siguraduhing walang bakas ni Serene doon dahil mawawala ito kasama si Dana.
Sinalubong niya ang walang emosyong tingin ni Selene. "Sino ka ba talaga, Oshiri Oquendo?!"
He sighed. Hindi siya dapat magpatalo sa isang Selene Amorsolo lang, alam niya namang mahal na mahal siya nito at kaya siya nitong paniwalaan kahit na ano pa ang sabihin niya.
Lumapit si Oshiri sa dalaga at hinalikan ito sa tuktok ng ulo nito. Hindi naman tumalima ang dalaga.
"What are you talking about?! Iyan iyong damit ni Serene noong natagpuan siya ng mga pulis, remember? Lumapit din sa akin ang mga pulis noon and then sa punerarya, nagpunta ako doon kaso hindi naman tayo nagkita kaya sa akin na inabot iyan ng mga staff doon, nakalimutan ko lang ibigay sayo." paliwanag niya. "Why are you accusing me, anyway?"
"I'm sorry, I really do.. Siguro ay nagtatampo na talaga ako sayo dahil madalas kang wala kaysa mamirmi dito. Miss na miss na kita."
"Miss you too." he replied.
Damn! Mabuti nalang talaga at mabilis utoin ang isang 'to. Kaya hindi siya hirap kay Selene e.
Niyakap niya nalang ang dalaga at hinaplos haplos ang buhok nito. Konti pa, konting panahon pa at makakaganti na din siya kay Selvestra at magiging malaya na siyang mahalin si Serene.. His wife.
KINAUMAGAHAN maagang umalis si Oshiri sa Oshini Mansion hindi para puntahan ulit si Serene. Ang gagong si Rendox Hauxford kasi ay nagpunta sa headquarters ng mga torturers ng mag isa. Tang ina! Nakalimutan na yata ng gago kung gaano kalaki ang atraso nito sa Master ng mga torturers. Ganoon na ba kamahal ni Rendox ang babaeng iyon at isinusugal na nito ang kaluluwa sa demonyo? Gago talaga!
Nagmamadali siya, alam niyang naroon na din ang ilan sa headquarters ng mga torturers. Kahit na gago si Rendox hindi naman nila iyon pwedeng pabayaan.
"Saan ka pupunta?!" Tanong kaagad sa kanya ni Selene.
Hinalikan niya ito sa pisngi. "Emergency babe, don't worry susundoin lang namin si Rendox."
Tumango tango naman ito. "Okay, mag iingat ka."
Isang tango lang at tipid na ngiti ang sinagot niya bago niya tuloyang nilisan ang Oshini Mansion. Nagmamadali niya pinasibad ang mamahalin niyang sasakyan patungo sa makabagong hideout ng torturers.
Bungad pa lamang ay kita na niya ang sunod sunod na nakaparadang sasakyan. Mga sasakyan iyon ng mga ka-grupo niya. Ni-park niya ang kotse niya sa tabi ng sasakyan nina Fioreid at Rendox.
BINABASA MO ANG
Black Eternity Series: OSHIRI (COMPLETED)
RomanceBlack Eternity Series FORTEZA MAFIA Oshiri Oquendo