Chapter Ten

24.6K 718 92
                                    

Black Eternity Series
Oshiri Oquendo
My Ex's Daughter

~

NAKATITIG lamang si Selene sa natutulog na si Oshiri. Lasing na lasing binata at para bang buong maghapon magdamag ay umiinom lang ito ng alak. Napabuntong hininga siya, hindi niya alam kung ano ba ang problema ng binata at para bang sobrang nagpapaka-wasted ito, labis na siyang nag aalala para sa kalagayan ng binata.

Sa totoo lang ay nagulat siya sa sinabi nito kanina sa kanya. Iyong pag aalok nito ng kasal sa kanya, matapos kasi niyon ay natumba na ng tuloyan ang binata sa sobrang kalasingan.

Ano kayang problema ni Oshiri?

Muling nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Selene at saka tumayo sa kama. Nasasaktan siya kasi pakiramdam niya ay may itinatago sa kanya ang binata. Akala niya ba ay importante siya para dito? He may not excatly said that he loves her but he already admit that he's really serious at her. No need to doubt, sabihin man ni Oshiri o hindi naniniwala siyang mahal siya ng binata.

Bakit kaya ganon? Pakiramdam niya magmula ng mamatay ang kapatid niya ay may malaking pagbabagong darating sa buhay niya. Hindi niya iyon maintindihan pero alam niyang may kakaiba.

"Hay buhay!" muli siyang napabuntong hininga.

Humarap siyang muli sa kama na kinahihigaan ng binata. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang bumangon si Oshiri at lumapit sa kinatatayuan niya. Halata pang lasing ito dahil pagewang gewang pa ang lakad nito. Tumayo ito sa harapan niya bago ipinatong ang dalawang kamay nito sa magkabila niyang balikat.

"Oshiri.. Kailangan mong magpahinga, lasing na lasing ka pa. Halika na sa kama." Akmang aalalayan niya ito pabalik sa kama ng higpitan nito ang pagkakahawak sa balikat niya. "O-oshiri.."

"Serene.. My baby.."

Para siyang nabato sa narinig. Did she heard it right? Tinawag ba talaga siya nitong Serene sa ibang pamamaraan? Kitang kita niya kasi ang lungkot sa mga mata ng binata nang banggitin nito ang pangalan ng kanyang kapatid. Pero paanong nangyari iyon? Hindi naman personal na kilala ni Oshiri ang kapatid niya dahil hindi pa naman nagkakakilala ang mga ito at hindi na mangyayari iyon dahil patay na ang kapatid niya.

Bumalik ang kanyang tingin sa binata, napabuntong hininga na lamang siya. Marahil ay sa sobrang kalasingan kaya nagkamali lang ito ng pagkaka-pronounce sa pangalan niya.

She sighed again. "Magpahinga ka na."

Nagulat siya ng ilapit ng binata ang mukha nito sa kanya. Mas humigpit pa ang pagkakahawak nito aa balikat niya. Amoy na amoy niya ang alak sa hininga ito ngunit nananatili pa din iyong mabango. Pakiramdam ni Selene ay tatakasan siya ng bait dahil sa sobrang lapit ng mukha nilang dalawa.

"O-oshiri.."

There is something in his eyes that she cannot explain.

Hindi niya alam kung para ba sa kanya ang ekspresyon ng mga mata ng binata pero umaasa siya. Umaasa siya dahil unti unti na niyang nalalaman na may nagbago, may mali.

"I miss you so much my baby, I miss you everyday." Mahinang anito.

Bumilis ang tibok ng puso ni Selene, hindi niya mawari kung ano ba dapat ang sasabihin niya. Naluluha siya sa hindi malamang dahilan, iba ang kutob niya. Iba talaga.

Napapikit na lamang ang dalaga ang pagsaklobin ng binata ang pagitan ng kanilang mga labi. Kamuntik pa siyang mapasinghap ng malakas dahil sa uri ng paghalik nito sa kanya, napaka agresibo hindi tulad noong unang beses siya nitong hinalikan, napaka-gentle man nito pero ngayon, ibang iba para bang hindi ito ang Oshiri na nakilala niya.

Black Eternity Series: OSHIRI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon