Black Eternity Series
Oshiri Oquendo
My Ex's Daughter~
NAKAPIKIT ang mga mata ni Selene habang sinasamyo ang malamig na simoy ng kanyang hangin. Ang sarap sa pakiramdam ang paghaplos ng hangin sa kanyang balat. Hindi niya pa din mabura ang ngiti sa kanyang mga labi. Ang sarap sa pakiramdam nang ganito, iyong payapa at wala kang masyadong iniisip na problema. Haist! Sa gitna ng karagatan kasama ang lalaking may espesyal na puwang sa puso niya.
Sa gitna ng pagrerelax niya ng kanyang utak, naramdaman niya naman ang marahang pagpulupot ng matipunong braso sa kanyang bewang mula sa likoran. Napangiti siya, alam niya naman kung sino ang nagmamay-ari noon.
Sweet. Pipeng aniya sa sarili.
"Are you enjoying?!" Bulong nito sa kanya.
Bigla nalang siyang namula sa sinabi nito. Napakalapit na nang mukha nito sa kanya, nakapatong kasi ang baba nito sa balikat niya.
Oh my god! "Sobrang nag e-enjoy?!"
"I'm really glad that you're enjoying this trip."
Nagulat siya ng gawaran siya nito ng mabilis na halik sa pisngi. Hindi kasi niya iyon inaasahan kaya mas lalong namula ang kanyang mukha, napakagat siya sa ibabang labi.
Bakit ba kasi ang sweet sweet ng lalaking 'to? Baka naman langgamin na sila niyan.
Kusang napasandal siya sa bisig ng binata. Goodness! Napakasarap sa pakiramdam ang madikit sa binata.
"Oshiri, seryoso ka ba sa akin?!" bigla niyang tanong.
Hindi niya alam kung saan nanggaling ang tanong na iyon pero pakiramdam niya ay kailangan niyang itanong iyon. Hindi niya alam kung bakit.
"Gusto kita Selene, walang halong biro. I'm serious with you, cara mia."
Her heart skipped upon hearing that. Oshiri can made her heart hammered in just that instant.
Parang nawala iyong pag aalinlangan na nararamdaman niya kanina. Pinaharap siya ng binata at nanatili pa din ang braso nitong nakayakap sa kanyang bewang. Napakapit naman siya sa balikat ng binata.
Napapikit siya ng halikan nito ang tungki ng ilong niya.
"I prepared dinner for us cara, let's go?" anito.
Tumango siya at ngumiti ng hawakan ng binata ang kanyang kamay at dinala siya sa top deck ng yacht dahil naroon daw ang romantic dinner na inihanda nito para sa kanya.
Hindi niya mapigilang mamangha ng makita ang inihanda ng binata. Ohh God! This is every girls dream, those red rose petals, candle lights and mini lights. Napaka-romantiko.
"Wow!" Hindi niya mapigilang kumento. "Ang ganda!" Namamanghang aniya.
"You are more beautiful than that, cara mia."
Namula kaagad ang kanyang pisngi sa sinabi ng binata. Inakay siya nito papunta sa table doon, kasabay nang kanyang pag upo ang pag pindot ni Oshiri sa hawak nitong maliit na remote at saka tumugtog ang napaka-romantic na music.
Attentive naman ang binata sa kanya habang kumakain sila. Panay nitong tinatanong kung masarap ba ang luto nito and it's really good. Magaling din pala mag luto ang binata. Doon niya narealize na hindi lang pala ideal boyfriend ang isang Oshiri Oquendo, ideal husband din pala ito kung tutuosin.
Ilang minuto pa ang nagtagal bago tumayo ang binata at lumapit sa kanya. Inilahad nito ang palad sa harapan niya.
"May I have this dance, my darling?" Nakangiting alok nito.
BINABASA MO ANG
Black Eternity Series: OSHIRI (COMPLETED)
RomanceBlack Eternity Series FORTEZA MAFIA Oshiri Oquendo