ZABS POV
Yo. Andito kami ngayon sa mansion namin nina Jennica. They are getting our clothes pa daw. Aarte talaga. -.-
Nandito lang ako sa room ko. Gothic. Puro pink and black. Sarap nga dito eh. -.-
Im bothered about Black Gods. Parang sila kasi talaga yung mga.. dati naming kaibigan sa Japan. Di naman kasi namin nakilala talaga yung mga yun. Bigla nalang silang nawala. Mga paasa. Psh.
"GIRRRRLS! PUNTA NA KAYO DITO!" Sigaw ni stylist namin. Jennica siyempre. Hahaha. Magpapagawa nga daw siya ng fashion shop niya. Galing. "Oh eto sayo, sayo.. sayo.." nagbibigayan na sila ng outfits. Syempre iba iba naman kami, ayaw ko nung uniform na pare-parehas pa. Azar mga ganon. "Zab, wear this." Owkayy, mukha naman siyang desente. Knee-high boots, leather pants and hanging cropped top na nagpapakita ng rose tattoo ko sa likod. Nagbihis na kami at sumakay sa kanya-kanyang sasakyan.
"Ingat kayo." Sabi ko sabay paharurot netong car ko. Ugh, speed.
At DEATH ARENA
Dito, may councils din. Syempre yung mga pinaka-matataas na leader na ang kukunin bilang councils. Top 8 ang kinuha. So, it means na ang Black Rose & Black Gods ang pinaka-leader ng mga gangsters dito.
"Whats with the meeting?" Sabi ko kay Sky. Siya ang leader ng Razor Blood. Rank 9, siya ang pinaka-active dito sa Death Arena kasi hindi ata napasok yan sa school. Eh kami, mababait pa kami, kaya nag-aaral kami. Tsaka, mga tagapagmana kami dba? "Ugh, First at Uno, mayroon kasing mga taong nakakatuklas kung sino talaga kayo, kailangan nating pag-usapan kung paano natin ito papangalagaan. Madami tuloy gangsters ang nagbitiw na dito sa Death Arena." Mahaba niyang sabi. Ay, ganon. Weak naman ng mga yon. "Pano nila nalalaman?" Sabi nung Uno. Siyan yung lalaki kong kapantay. Psh. Pasikat. "Pinapa-imbestigahan kasi sila eh. Siguro dapat tayong magtulungan para mahanap kung sino ang mga taong gustong pumatay at humanap sa inyo." Grabe na pala ang nangyayari. Oo, sumasang-ayon na ako. "Sige, payag ang gang ko dyan." Sabi ko. "Samin din." Sabi naman ni Uno.
Dito sa Death Arena, mayroong kwarto para sa councils. Andun kami ngayon. "Simulan natin sa pagpapakilala natin sa isat-isa. Apat na taon na tayo dito sa D.A, siguro naman ay may tiwala na tayo sa isat-isa." Oo nga naman, hmmm. Siguro dapat na kaming magkakilalahan. "Sa bilang kong tatlo, tatanggalin niyo ang masks niyo."
Nakita ko ang mga members ko na nakangiti. Siguro excited sila makita tong mga to. Hahaha. Hawak na namin ang mga mask. Syempre di ako ngumingiti kasi nakakahiya naman at di naman kailangan. -____-
"One." Bilang ni Uno. "Two" Bilang ni Sky. "Three!" Bilang nina Jennica.
"KAYOOOOOOOOOOOOOO?!!" Sigaw nung mga lalaki. Wahahahaha. Gulat sila eh. Syempre alam na naman namin na sila ang Black Gods eh. Oh well.
"Magkakilala na kayo?" Sabi ni Sky. Ang pogi niya pala. Psh. Pero di parin ako attracted. 9th lang siya. Choosy pa eh no. -.- "Schoolmates." Sabi ko. Nagtawanan naman yung mga members ko. Sabi na di sila makakapaniwala eh. Haha. Nag-shake hands na kaming lahat at nag-usap.
"Dapat ay maging magka-partner tayo niyan" Malanding bulong sakin ni King. Nakakainis na to eh. Simula ng dumating sa Black Pavillion parang may hidden agenda. Psh. Bawal tayo magtiwala. "Fine. For Death Arena." Bulong ko nalang din sa knya. Pero bigla niya akong hinila at nilabas sa maingay na room na yun.
Teka, san kami pupunta?!
BINABASA MO ANG
Black Rose Princess
Teen FictionHaving someone to love you is good enough. But having someone to trust and honor you is such a better thing. Black Rose Princess is not just a simple story. It shows the twist of agony, pain, happiness and sacrifice in the lives of the Black Gods an...