Hi Zab. <3

3K 51 2
                                    

"Hi Zab, I missed you."

King's POV

Dahan dahan siyang lumingon. Feeling ko nga pati ang oras naging dahan dahan na! Alam ko, na lagi niyo nang naririnig o nababasa yan. Pero kung kayo mismo ang makakaramdam nito, parang hindi mo naman yun maiiisip.

Nakita ko na yung mukha niya.

Sobrang walan nagbago sa kanya. Ganun pa din yung mga mata niya. Ganun padin yung tingin niya.

Nakita kong nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Napabitaw na siya sa hawak niyang dagger. Nakita kong kumunot ang noo niya sa pagkakita sakin.

Lumapit ako sa kaniya at tuwang tuwa ako dahil habang papalapit ako ay nakikita ko lalo ang mga mukha niya. Gusto ko na siyang hawakan ulit, halikan ulit. 

Pero habang papalapit ako, nakita ko na may namumuong luha sa mga mata niya.

Umupo ako sa tabi niya at pinunansan ito.

"King?" Sabi niya sakin sabay hawak sa kamay ko. Pinisil niya ang mga kamay ko, na para bang naninigurdao kung tao ba ako o imahinasyon niya lang.

Tinitititgan niya ako sa mga mata at hinawakan niya ang pisngi ko. Hmmmm~ Ang lambot pa din ng mga kamay niya.

Hinawakan ko ang kamay na nakahawak sa pisngi ko. Grabe. Shit ayaw ko na matapos tong sandaling to.

"Hi Zab." Sabi ko sakanya sabay ngiti. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya. Ano ang gagawin niya. Kung ano ba ang maiisip niya.

Bigla niya akong niyakap at bigla kong naramdaman ang sobrang saya. Ito pala ang pakiramdam. Sa sobrang tagal na, parang hindi ko na alam kung anong pakiramdam ng mayakap ng mahal mo.

"Bakit buhay ka pa? Saan ka galing?" Sabi niya sakin habang humahagulgol sa dibdib ko. Shet ang saya ko sobra.

Niyakap ko muna siya ng sobrang higpit bago ako sumagot.

"Nandito na ako ngayon, diba Baby?" Sabi ko sa kanya sabay haplos sa buhok niya.

Umikli na ito hindi katulad dati na sobrang haba. Pero, bagay pa din naman sakanya kahit ano.

"Hindi ka na ba aalis?" Sabi niya sakin sabay tingin sa mga mata ko. Alam kong ang gusto niyang sabihin ko ay "Hindi na baby."

Pero hindi. Kailangan muna na ayusin ko na ang lahat para wala ng problema. Kung kailangan patayin ko mismo ang tatay ko..

"Konti nalang Baby. Kamusta ka na?" Sabi ko sa kaniya. Sana matagpi ko pa lahat to. Sana maayos na parang walang nangyari. Kasi para sakin, basta mahal pa rin niya ako, hindi kami naghiwalay. Hindi kami nagbago.

"Masaya na ulit ako ngayon." Sabi niya sabay kuha sa mga labi ko.

Parang walang nawalang oras samin. Agad agad ko din siyang hinalikan. Damn! Kung pwede lang na ganito nalang lagi..

Tumigil siya at tiningnan ko siya sa mga mata niya. Ngumiti siya at niyakap ulit ako. "Totoo ka nga, hindi ka panaginip." 

"WEH?! HAHAHAHAHA!" Nandito kami ngayon sa mall at naglalakad lakad ng tumatawa tawa.

Black Rose PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon