KING'S POV
"Pero bakit parang galit na galit siya sakin, Baby?" Sabi ko kay Queen habang inaayos ko yung kakainin namin.
Naalala ko na naman kasi yung Emil ata yon. Di ko lang kasi talaga maisip kung bakit sobrang parang kilalang kilala ko siya. Well, actually, sabi ni Queen, simula pagkabata namin magkakilala na kami.Kaya siguro naaalala ko siya.
Pero hindi naman yon yung tanong. Bakit punong puno yung mga mata niya ng galit? Bakit parang sa halip na masaya siya, parang natatakot siya sakin.
Bakit parang hindi ako welcome dito?
"Baka iniisip niya na iniwan mo siya Baby." Sabi niya sakin sabay upo at inom ng tubig niya.
Si Queen din hindi na din mapakali simula ng makita namin si Emil.
Para bang natatakot din siya. Bakit kaya ang daming nangyayari sa paligid ko?
"Gusto ko siyang puntahan." Sabi ko sakanya.
Napapikit naman ng mga mata si Queen.
"Baby, mas mabuti siguro kung wag muna.." Sabi niya sabay tingin kay Prince na natutulog na sa sofa.
"Bakit naman? Gusto ko din namang maalala siya. Tsaka malay mo, magdere-deretso na, maalala ko na yung mga panahong nililigawan ko pa ang maganda kong asawa!" Sabi ko sakanya sabay kindat.
Napangiti naman siya.
"Pag-isipan muna natin Hon. Wag ka muna gagawa ng desisyon, ha?" sabi niya sakin ng punong puno ng pagaalala ang boses niya.
Alam kong gusto lang ni Queen ang lahat ng nakakabuti sakin. And I admire her for loving me so much. Siguro siya lang ang babaeng nakapagpatibok ng puso ko.
Pero hindi ko pa din talaga naaalis sa isip ko yung babae sa panaginip ko.
Although, may possibility na si Queen din naman yun..
Parang may something sa kanya na.. ugh!
Ewan ko ba! Ang hirap kasi ipaliwanag. Lalo na kung galing lang naman sa panaginip lahat, diba?
ZAB'S POV
Umaga na at nakabalik na yung gang ko dito. Mga nakangiti at mga excited sa mga sasabihin ko.
Pero ako? Ano nga ba ang nararamdaman ko?
Una sa lahat, kinakabahan ako.
Alam kong may nangyari kay Emil, hindi ko lang alam kung ano mismo.
Pangalawa, disappointed ako. Unang beses ko siyang sinorpresa, hindi pa niya sinipot.
Pangatlo, nalilito. Kung bakit kung kailan kailangan niya akong puntahan, dun pa siya nawala. Hindi ko mainitindihan.
"Zaaaaaaaab! Ano na, kamusta na? WAH! ENGAGED NA BA KAYO?!" Sabi ni Lorie ng natakbo papunta sakin. Nakangiti din yung iba habang tinitingan nila ang paligid.
"Nasaan ang maswerteng lalaki? Nagmumukmok ba sa cr?" Sabi ni Syd at nagtawanan naman silang lahat.
"Zab?" Sabi ni Jezreel habang lumalapit sakin.
Natahimik na din silang lahat. Tumingin sila sa mukha ko, at dun palang, alam na nila.
Napansin na din nila ang mga hindi nakaing pagkain, ang hindi nagalaw na mga ilaw, lahat.
"Shit. Di ka sinipot ni Emil?" sabi ni Drake na parang nagtataka.
Siguro nga, nakakatawa tong ginagawa ko. Siguro, ito ang sign na siguro hindi pa ako handa sa isang kasal.
BINABASA MO ANG
Black Rose Princess
Teen FictionHaving someone to love you is good enough. But having someone to trust and honor you is such a better thing. Black Rose Princess is not just a simple story. It shows the twist of agony, pain, happiness and sacrifice in the lives of the Black Gods an...