CHAPTER 5 (PARTNERS)

1K 10 0
                                    

CHAPTER 5 (PARTNERS)

Pumasok sina Mandy at Mich sa room ng sunod nilang subject. First day nila ito sa minor subject na Humanities. Umupo sila sa parteng gitna.

Unti-unti nang dumarating ang mga estudyante, minor subject ito kaya naman kung sino-sinong estudyante galing sa iba’t ibang course ang magiging kaklase ng mga ito.

“Uy, sina Dylan yun ah… psssst, Dylan!” pasigaw na sabi ni Mich.

“Uy! Ito rin ba ang kinuha nyong schedule sa Humanities?”

“Yup, ito na lang kasi ang natirang schedule nung nag-enroll kami. Ayaw nyo nun, classmates ulit tayo.” Dagdag na sabi ni Mich

Nagkatinginan sina Mandy at Dylan… Nang makita ito nina Mich…

“So, anong gagawin natin sa dalawang ito?” pabulong na sinabi ni Mich kina Jason, Matt, Gerwin at Erik.

Dumating na ang professor nila. Dumiretso ito sa table at binaba ang gamit.

“Good morning class, I’m Professor Villena and I will be your professor in Humanities for the whole semester. So bago ko kayo i-arrange alphabetically, I want you all to introduce yourself, so who wants to be the first?”

“Alphabetically? Akala ko pang highschool lang yun…” pabulong na sinabi ni Gerwin kay Mandy…

“Sa amin nga wala.” reply ni Mandy

Nagvolunteer na si Erik na sya ang mauuna at pumunta na ito sa unahan.

“Hello, I’m Erik Ceraza and I’m taking up BS Industrial Engineering. Someday, I want to be an engineer.”

“Ay malamang, kaya nga Engineering ang kinuhang course” patawang sinabi ni Dylan

Sumunod dito si  Matt.

“I’m Kurt Matthew Infante, just call me Matt. My favorite subject is math kaya I take up Mechanical Engineering.”

Si Gerwin…

“Good morning, my name is Gerwin Ambrosio. My height is 5’9 and I love surfing, and acting, katulad ng ibang artista… If you want to know me better… just ask me my number. Thank you.”

“Hay naku…” buntong hininga ni Mich

Si Jason…

“My name is Jason Alcabesa. My father is Atty. Alcabesa of Alcabesa Law Firm and my mother is the owner of Alcabesa beach resort. Maybe some of you are wondering why do I get Engineering as my course… Kasi, in our clan meron nang lawyer, nurse, doctor, businessman, accountant, chef, politician at teacher… ang kulang na lang ay isang engineer…”

Hate Me or Love Me? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon