Salamat sa lahat ng naghintay ng update ko... next week na ulit ako makakapag-update... may aattendan kasi kaming seminar sa up-diliman for 3 days... sana magustuhan nyo, vote lang if you like :)
--------------------------------------------------------------------------------------------------
Mandy’s POV
Ayos din namang katext si Dylan ah… One week na kaming magka-text, pero hindi ko sinasabi kay Xander. Baka kasi magsimula ulit ito ng pag-aaway namin at ayokong nag-aaway kami. Wala namang masama kung makipagtext di ba? Kaibigan ko lang naman si Dylan at hanggang dun lang ito.
Si Xander? Ayun, hatid – sundo pa rin ako… pero pambihira ko nang makausap na maayos, sobrang busy kasi.
Pagpasok ko sa room, bigla akong nilapitan ng ibang babae kong kaklase…
“Mandy, totoo bang nililigawan ka ni Xander Tanjuatco?”
“Ang swerte mo naman!”
“Kelan pa?”
“Kayo na ba?”
Ano daw? Tama ba ang narinig ko?
Nanliligaw?
“Ops ops ops… excuse me, mamaya na ang interview hah…” bigla akong hinila ng bestfriend ko. Whew! savior talaga si Mich.
“Ano nililigawan? Eh kami naman?” ito ang naibulong ko kay Mich pagkatapos kong umupo… nakakainis yun ah, kami na kaya ni Xander…
“Alam mo, yan ang epekto ng pagtatago nyo ng relationship.”
“Sya lang naman ang gustong gawing private.”
“Hay naku, ewan ko dyan sa boyfriend mo…” hindi na ulit nagsalita si Mich. Ewan ko dito, lately kasi parang hindi nya feel si Xander. Binalewala ko na lang ito, siguro wala lang sya sa mood kaya ganyan ang bestfriend ko.
Buong time ng klase ko yun dinamdam… kahit sino man ang nasa sitwasyon ko ngayon ay maiintindihan ang nararamdaman ko… sa sobra kong pag-iisip, hindi ko namalayan na dismissal na.
“Bestfriend, hindi muna ako sasabay sa’yo ngayon hah… may meeting sa teatro… bye.”
“Hoy Mich, sandali!” ala… hindi na ako narinig… ganun lang yun? ni hindi nya tinanong kung may kasabay ako.
“Hoy, badtrip?”
Sino ba ‘to at ginulo ang buhok ko?
“Ano ba, bakit mo -- Dylan?”
“O bakit, parang gulat ka at nakita mo ako?” ngumiti sya sa akin na ginantihan ko naman ng ngiti.
“Hindi naman.”
“Wala akong kasama.” sabi nya sa akin.
“So?”
“Sama ako sa’yo?” pinagtaasan ko sya ng kilay
“Eh?”
“Okay, nevermind.” napanganga ako nang tumalikod sya sa akin. Ganun lang yun? nagbibiro lang naman ako ah.
“U-uy, teka… ito naman…” hinawakan ko ang braso nya pero bigla nyang tinanggal ito na para bang nagulat sya sa ginawa ko.
“Huli na ang lahat.”
Ano daw? Anong huli na ang lahat?
“Ang dramatic naman nito.”
“Ayaw mo naman akong makasama. So be it.” may halong pagtatampo sa boses nya na pinagtataka ko. Hindi nya ako pinansin at lumakad papalayo sa akin.
BINABASA MO ANG
Hate Me or Love Me? [Completed]
Teen Fiction[on editing process] Nang dahil sa isang simpleng kasalanan na ginawa ni Dylan kay Mandy noong elementary ito, malaki ang naipagbago nito (Mandy) nang muli silang nagkita nung college. Pagkatapos magkapatawaran ng dalawa, anong susunod na magyayari...