CHAPTER 9 (STAY AWAY)

779 10 0
                                    

 ***Morning

On the way papuntang school...

“Ang tagal na nating hindi nakakapag – usap…” napatingin si Mandy kay Xander na nagdadrive

“Masyado kang busy…” napahinga ng malalim si Mandy nang sinabi nya ito kay Xander.

                                                         

“It’s not my fault… may cellphone ka naman, pwede mo akong tawagan.”

“Yun na nga, may cellphone… pero hindi mo sinasagot ang tawag ko.”

“Anong gusto mong iparating Mandy?” may halo nang galit sa boses ni Xander. May pinaparating kasi sa kanya si Mandy pero hindi nya agad maintindihan.

“Bigyan mo naman ako ng time…Miss na kita.”

“Time, eh anong tawag mo dito? Araw – araw naman kitang hinahatid papuntang school.. ano pa bang gusto mong time?!”

“Pinagtataasan mo ba ako ng boses?”

“Nakakainis ka kasi eh… ano bang gusto mo, yung parang linta na laging nakadikit sa’yo… hindi ko yun maiibibigay sa’yo Mandy… dun ka sa mga kaibigan mo.”

“Bakit naman napasama sina Dylan?”

“Dylan? Do I heard it right? You and Dylan are in good terms?”

“I forgive him already… past is past that’s why I-“

“Ang dali mong maloko Mandy…”

“Kailangan ba lahat ng desisyon ko sasabihin ko muna sa’yo?! Iba na sya ngayon.”

“Wag kang makikipag – usap sa kanya…”

“Hah? Bakit?”

“Basta! I don’t want you to talk to him and that’s final!”

“Stop the car Xander…”

“What?”

“I said. Stop the car!!!”

Itinigil ni Xander ang kotse at lumabas si Mandy…

“Mandy wait!” lumabas din sa kotse si Xander para mahabol si Mandy na sa ngayon at hindi na maipagkakailang galit na.

“Wag mo muna akong  kausapin please…” galit sya pero ginawa pa rin nyang mahinahon ang boses nya. Hindi na sya hinabol pa ni Xander. Mas maganda nga siguro kung hindi nya ito kakausapin. Kaya naman naglakad na lang sya.

Hate Me or Love Me? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon