Dylan’s POV
“Isa pa nga!”
“O, Dylan nakakailan ka na ah. Kaya mo pa ba?” (Kiefer [pinsan ni Gerwin])
Kahit matagal na akong nakipaghiwalay sa kanya, masakit pa rin marinig mismo sa kanya na niloko nya ako…
Kanina pa akong nainom, pero wala atang talab sa akin ngayon ang alak.
“Easy lang pare hah…Hindi sa nakikielam ako sa problema mo, pero ayaw mo bang i-share o sabihin? Kahit sa akin muna, wala kasi dito si Jeremy” (Kiefer)
“Nasan sya?”
“Audition. Ang sabi lang sa akin ng pinsan mo, mag-oaudition sya sa isang music contest. Ilang beses na yung nag-audition sa iba’t ibang shows pero hindi sya natatanggap… hanga talaga ako dun.” (Kiefer)
Buti pa si Jeremy, kahit ilang beses syang narereject sa audition hindi pa rin sya nasuko. Para ngang mas lumakas pa ang loob nya…
Parang isang audition ang nangyari sa akin...
Masakit makatanggap ng mga masasamang salita mula sa judges o mga taong tumatanggap sa audition.
Masakit din kung nireject ka pagkatapos mong ipakita ang pinaghandaan mong audition piece. Pero sa kabila nito, may pagkakataon na nabibigyan pa ng another chance. Pero sa second chance na iyon may chances na hindi ka pa rin tanggap.
Ang pinagkaiba lang sa akin ay matagal ko nang gustong malaman ang tunay na dahilan kung bakit sya nakipaghiwalay sa akin at buti na lang, nabigyan ako ng chance na kausapin sya. Pero sa halip na maayos ang gusot naming sa isa’t isa, saka nya sinabing set-up lang ang lahat…
Masakit.
Sya ang unang babaeng minahal ko, naniwala ako na mahal din nya ako… naniwala ako sa mga sinasabi nya sa akin… or should I say….. kasinungalingan…
“Pare, maiwan muna kita.” (Kiefer)
Boring pala kapag mag-isa nag-iinom… I need company, kinuha ko na ang cellphone ko at nag-dial.
“Hello Gerwin, asan ka?”
[Papunta sa bar ng pinsan mo.Bakit?]
“Buti naman, nandito din ako… bilisan mo, bored na ako dito.”
[Sige.]
***
“O, nandito na ako… bakit hindi mo sinabi na pupunta ka dito, sana sumabay na ako sa’yo.” (Gerwin)
“Biglaan lang.”
“Anong problema?” (Gerwin)
“Hah?”
“Dylan naman… ang sabi ko, anong problema mo? Matagal na kitang bestfriend kaya alam ko kung may problema ka o wala.” (Gerwin)
Sinabi ko kay Gerwin ang lahat ng napag-usapan namin ni Jaslyn.
“Tsk tsk tsk… di ba dati nagkaaway pa tayo dahil sa kanya. Ang sabi ko pa sa’yo ayoko kay Jaslyn, may kakaiba sa kanya… Pero nung time na yun, hindi ka naniwala at nagalit ka pa sa akin. At nasuntok mo ako for the first time.” (Gerwin sabay inom ng beer)
“Dapat pala pinakinggan din kita kahit paano.”
“Ahahahaha…Dapat lang. Kaya sa susunod, ako na ang hahanap ng babae para sa’yo.” (Gerwin)
“Ayoko. Baka ang ipakilala mo sa akin ay naging girlfriend mo na.”
“Pare naman, ganyan na ba ang tingin mo sa akin?” (Gerwin)
“Oo at hindi. Eh sino si Mariel?”
“Mariel?” (Gerwin)
“Girlfriend mo daw yun ah.”
“Girlfriend? Nakilala ko lang sya sa isang party tapos lumabas kami ng isang beses, yun lang. Self – claimed lang nya yun… isa lang babae ang gusto kong maging girlfriend, alam mo na kung sino.” (Gerwin)
“Anong ginawa mo after nakipag-break sa’yo si Mich?”
“Umiyak. Nagbasag ng gamit. Pero hindi naglasing… Naisip ko din dati na walang mapapala ang pagmumukmok at pag-iyak ko, kaya pinilit kong maging okay at susuyuin ko ulit si Mich at sasabihin yung totoo… akala ko madali lang yun, pero tingnan mo naman…hanggang ngayon, wala pa ring nangyayari.” (Gerwin)
“Bakit ako nagpaloko kay Jaslyn!”
Bago ko pa lang maitapon ang bote, napigilan agad ako ni Gerwin.
“Tara na. Dala mo ba ang kotse mo?” (Gerwin)
“Hindi.”
“Motor?” (Gerwin)
“Hindi.”
“Nagbiyahe ka?” (Gerwin)
“Naglakad lang ako, simula sa school papunta dito.”
“Hah? Ang layo ah… sya, sumabay ka na sa akin… Hay pare, ano bang meron sa atin at parang minamalas tayo… Making akala sa akin at sa’yo naman naloko…” (Gerwin)
End of Dylan’s POV
***
“Bakit mo agad sinabi kay Dylan! Di ba may tamang oras para sabihin yun?”
“Tama na! Sabihin mo na kasi kay Dylan ang totoo. Maiintindihan ka naman nun.” (Jaslyn)
“Alam na kaya nya?”
“Siguro, hindi pa.” (Jaslyn)
“Kailangan kong mag-ingat.”
BINABASA MO ANG
Hate Me or Love Me? [Completed]
Teen Fiction[on editing process] Nang dahil sa isang simpleng kasalanan na ginawa ni Dylan kay Mandy noong elementary ito, malaki ang naipagbago nito (Mandy) nang muli silang nagkita nung college. Pagkatapos magkapatawaran ng dalawa, anong susunod na magyayari...