CHAPTER 29 (ONE ON ONE TALK part 2)

663 7 0
                                    

Dedicated ito kay treasuredkiss...

Actually, kapatid ko sya at kaga-graduate lang nya last March 27, 2012... 1st year college na pagpasok sa June..ayieeee <3

Congratz :)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

***

“Mich, aalis ka na agad?” (Gerwin)

“Oo,bakit may problema?” (Mich)

“Ayyiieeee.” (Matt, Erik at Jason)

“Tse! Tahimik… pupuntahan ko pa si Mandy, ibibigay ko pa ang mga assignment namin sa major subject.” (Mich)

“Sama kami.” (Erik)

“Ayoko nga, laking istorbo nyo dun.” (Mich)

“Wow, as if naman hindi ka istorbo.” (Gerwin)

“Hindi talaga. Lagi akong welcome dun, feel at home nga ako dun.” (Mich)

“Hindi ka na nahiya, ang kapal talaga ng mukha mo.” (Gerwin)

“Mas makapal yang buhok mo, magpagupit ka nga.” (Mich)

“Hindi pwede. Di ba may guest appearance ako sa isang show sa Korea, ako ang representative ng school na ito. Hindi pwedeng baguhin ang buhok ko, kailangan sa performance ko.” (Gerwin)

“Okay fine.” (Mich)

“Sama na kami, kaibigan din naman ni Mandy. Bibisitahin namin sya, kakamustahin.” (Jason)

“Lahat kami sasama.” (Matt)

“San mo ba gustong makisakay? Sa race car ni Gerwin, sa kotse ni Matt na may kasamang body guard? Kung gusto mo din ng tahimik, sa kotse ni Jason pwede din naman sa Ferrari ni Dylan o kaya naman sa motor na ang may ari ay ang pinakagwapong tao sa daigdig.” (Erik)

“Kinikilabutan ako sa sinabi mo Erik, pinaka gwapo daw, ewww. Sige na nga, pwede na kayong sumama. Since sa inyong lima, ang may alam ng address ni Mandy ay si Dylan, sa kanya ako makikisakay.” (Mich)

“Sa kanya?” (Gerwin)

“Oo bakit may problema?” (Mich)

“Wala po.” (Gerwin)

“Siguro, may hangover pa yun.” (Matt)

“Maybe.” (Dylan)

“Dylan, ano nang progress sa inyo nina tito at Xander.” (Jason)

“Wala pa rin.  Hindi ko pa sila nakakausap…… tara na nga.” (Dylan)

***

“Maupo po muna kayo.” (kasambahay)

“Maiwan ko muna kayo hah, pupuntahan ko muna si Mandy sa kwarto nya tapos papababain ko sya dito.” (Mich)

“Di ba dito din nakatira si Jaslyn? Paano kaya yun?” (Matt)

“Eh di laging may away …aray!” (Erik – siniko ni Dylan)

“Wag ka ngang maingay, sige ka kapag may nakarinig…” (Dylan)

“O… hello sir.” (Jason – sabay tayo)

Tumayo na rin ang iba nang makita din ng mga ito ang ama ni Mandy.

“Hello. Take a seat…. Buti naman binisita nyo ngayon si Mandy, buti naman isinama kayo dito ni Dylan.”

“A..actually tito, sila po ang ang gusting gusto pumunta dito kaya sumama na po kami kay Mich.” (Dylan)

Hate Me or Love Me? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon