***Another day sa school… sa tambayan… (sina Gerwin, Jason at Erik pa lamang ang nandoon)
Nakita na nila si Dylan na papalapit…
“Tingnan nyo si Dylan… abot langit ang ngiti.” sabi ni Jason sabay nguso
Mahinang tumawa ang tatlo…
“O, anong meron at ang saya nyo ngayon?” (Dylan)
“Dapat nga ikaw ang sumagot ng tanong na yan… May nangyari bang maganda Dylan?” (Jason)
“W-wala naman… bakit, masama ba ang maging masaya?” (Dylan)
“Siguro… may kasama kang chicka babes kahapon…may nangyari ba?” ngising ngisi si Gerwin habang ito ay sinasabi.
Binato ni Dylan si Gerwin ng libro… “Hoy, hindi ako kagaya mo playboy.”
“Iba ako sa ibang playboy…never been touch ako.” pagkokontra ni Gerwin. Meron bang playboy na never been touched?
“Sus, eh yan ngang labi, mata at kamay mo hindi na virgin.” (Dylan)
“At least, yun lang.. bwahahahahaha.” (Gerwin)
“Hoy! Ang lakas ng tawa mo ah! Mahiya ka naman.” napalingon sila sa nagsalita, si Mich. Kasama din nito si Mandy.
“Patay kaaaaa… the amazona has spoken!” pagbabanta ni Erik kay Gerwin. Pero sa halip na magalit kay Gerwin, nagalit si Mich kay Erik. Sabihan ba naman sya na amazona...
“A, amazona pala…” dali-daling lumapit si Mich kay Erik at sinakal. Sa halip na tulungan ng mga kaibigan, tinawanan lang nila ito.
“Ta-tama na Mich… pinagtitnginan ka na…” si Mandy na ang umawat. Kanina pa kasi silang pinagtitinginan ng iba. Kaya naman binitawan nya si Erik at umupo na lang sa isang tabi.
Hindi nagtagal, nakita nila si Matt nalumabas ng kotse. Madami itong kasamang mga bodyguard…
“Anong meron ngayon Matt, ang dami mong kasamang body guard ah… Huling kita ko sa’yo na may kasamang ganyan ay nung elementary pa.” kumunot ang ulo ni Dylan habang tinitingnan ni Dylan ang mga kasamang bodyguard ni Matt.
Pinaalis ni Matt ang mga bodygurard. “Kagabi kasi, muntikan nang kidnapin ang daddy ko. May humarang kasi na hindi pa nakikilalang lalaki… Buti na lang, dumating ang lolo ko…may mga kasamang pulis ba yun o sundalo…basta. Kaya, ganito nanaman… may bodyguards ulit…” Apo ng isang retired general si Matt. Kahit na retured na ito, masasabi na malakas pa rin ang hatak nya sa nakakataas.
“To the rescue palagi si General ah.” (Jason)
“Jason!” sigaw ng lalaking papalapit dito.
“O, Ron… anong meron” (Jason)
“Eto…” (binigyan ng magazine ang lahat) “Lahat ng estudyante sa university may copy na nyan… hindi ito galing sa student publication natin… bigay lang ito…sige,aalis na ako…”
“Ano ‘to?” Tiningnan ni Jason ang magazine… “University Royalties?”
“Hindi ba dapat Campus Royalties?” pagtatama ni Mandy.
“Tama ba itong binabasa ko? by: Glitters, Roxy and Mimi? Teka, pamilyar sa akin ang mga mababahong pangalan na ito…. di ba sila yung…” gulat na sabi ni Mich. Mukha kasing alam na nya kung sino ang gumawa ng magazine na ito.
“Mga chicka babes na schoolmates natin nung high school pa tayo…” (Gerwin)
“Whoa! bakit nandito tayo?” sabi ni Erik habang binubuklat ang pages ng magazine. Totoo nga, nandito ang mga pangalan nila. Profile nila, picture at kung anu-ano pang information tungkol sa kanila.
BINABASA MO ANG
Hate Me or Love Me? [Completed]
Teen Fiction[on editing process] Nang dahil sa isang simpleng kasalanan na ginawa ni Dylan kay Mandy noong elementary ito, malaki ang naipagbago nito (Mandy) nang muli silang nagkita nung college. Pagkatapos magkapatawaran ng dalawa, anong susunod na magyayari...