CHAPTER 19 (DYLAN and XANDER)

739 9 0
                                    

Mandy’ POV

“1..2..3..4..5..6..7..8”

Nandito ako ngayon sa dance studio ng school, nagpapractice ng sayaw para sa celebration next week. Birthday kasi ng may-ari ng university na ito. Well, ano pa ba ang ipepresent ng dance troupe kundi sayaw… di ba…

Hinati-hati kami sa iba’t ibang grupo, ang reason? Hindi ko alam. Siguro dahil para mas madami ang performances at para mas madali ang magturo ng sayaw.

Hataw ako sa pagsayaw, kasi naman nandito si Xander pinapanuod ako.

“Okay, last one.” sabi ni Chicko, ang choreographer namin.

Dahil last round na at rest na, hinataw na namin ang pagsasayaw.

Pagkatapos ng sayaw, dali-dali akong lumapit kay Xander.

 “Mas lalo kang gumaling ah…” sinalubong nya ako ng ngiti at palakpak at nakaramdam agad ako ng kasiyahan.

“Sus, nambola pa.”

“Totoo… practice pa lang yan, what more kung performance na.”

“Manunuod ka hah.”

“Oo naman, ipapacancel ko lahat ng naka-schedule ko that day.”

Katulad ng nabanggit ko dati, busy sya sa pagtulong sa kanyang ama sa pagpapatakbo ng mga restaurant dito at overseas. Ang lakas ko talaga sa kanya at ipapacancel nya ang lahat ng appointment nya… malamang, girlfriend ako.

“Next group: Pat, Carl, Biboy, Jojo at Dylan, punta na sa unahan.” lumingon ako sa mga magpeperform at saka umupo sa tabi ni Xander.

“Magaling ba si Dylan sumayaw?” nabigla ako sa tanong ni Xander.

“Oo naman, kaya nga sya natanggap sa dance troupe.”

“Nasan ba sya?”

“Ayun oh, yung pinakamatangkad… naka long – sleeves na black and white tapos may sumbrero.”

“Ah, bakit kasi sya nagsumbrero. Hindi tuloy kita ang mukha, at tsaka bakit naka long – sleeves sya?” natawa ako sa sinabi ni Xander. At talagang pinansin pa nya ang suot ni Dylan.

“Hayaan mo na, air conditioned naman dito.” Air conditioned kasi ang dance studio sa school na ito.

“Tingnan nga natin kung magaling sya.”

(note: YOU NEED TO WATCH THE VIDEO… Nandun mismo si DYLAN, nagsasayaw… sya yung naka long-sleeves na black and white na may sumbrero. Sya talaga yun, promise (^_^) Sa mga hindi mapanuod dito... ito ang link: http://www.youtube.com/watch?v=ovztfpWPo5M )

***After ng sayaw…

“Good job!” pumalakpak si Chicko at saka tinawag ang sunod na sasayaw. Nakita kong papalapit si Dylan sa kinauupuan namin, malapit kasi sa inuupuan naming ang gamit nito. Umupo sya at saka tumingin kay Xander.

“Yow!” casual na sabi ni Dylan sabay kaway kay Xander. Anong meron ngayon at parang nasa mood ang mga tao?

“Yow!”

“Pwede ba akong tumabi dyan, wala kasi akong katabi dito.” hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Dylan. Papayag ba ako o hindi? Tumingin ako kay Xander…Tumago sya.

0_0

Pinch me, I must be dreaming…

“Talaga?” dumiretso na si Dylan sa tabi namin at umupo. Ngising ngisi naman sya nang tumingin ako sa kanya. Ang weird ng mga tao ngayon!

Hate Me or Love Me? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon