CHAPTER 37 (VACATION - [spin in the bottle])

589 7 0
                                    

After more than two weeks ata, sa wakas nakapag-update din! :)

Salamat po sa mga naghihintay ng chapter na ito... pasensya na po kung may mga typo...

sana magustuhan nyo :)

-------------------------------------------------------------------

“Ahahahaha!!!” (Gerwin at Dylan)

“Mga pare, swear kung nakita nyo ang itsura ni Matt nung makita nya na bading yun… priceless..ahahaha!” (Jason)

Nasa tapat sila ngayon ng bahay ni Mich. Dito nila napagdesisyonang matagpo – tagpo. Pupunta kasi sila ngayon sa beach resort ni Jason para magbakasyon.

Habang hinihintay sina Mandy at Erik, nagkukwentuhan ang mga ito, isa sa mga nanguna sa kwentuhan ay si Jason na kinuwento ang nangyari sa kanila nina Matt noong nakaraang linggo.

“Tama ba yung English grammar ni Matt yung you grab my attention?” (Mich)

“Tama na! bingi na ako… naaawa na ako sa sarili ko.” (Matt)

“Pare, hindi ako naaawa sa’yo… natatawa ako! Ahahaha!” (Gerwin)

“Sayang, wala ako nung nangyari yun… namiss ko tuloy ang isa sa mga memorable moments ni Matt. Ahahaha!” (Dylan)

“Eh bakit nga ba wala kayo Dylan at Gerwin?” (Matt)

“Ako? Binalak ko talaga na hindi muna ako aalis ng bahay that time… kasi nung gabi, nagdinner ako kasama sina daddy at tita Diana.” (Gerwin)

“Eh ikaw Dylan?” (Matt)

“Ako? May ginawa lang akong importante…” (Dylan)

“Talaga?” (Matt)

“Oo, bakit ba ayaw mong maniwala?” (Dylan)

“Pwede ko bang malaman kng ano yung importanteng bagay?” (Matt)

“At bakit ko naman sasabihin sa’yo? Daig mo pa ang magulang ko ah… at least, hindi ako nagbibigay ng teddy bear sa isang bading..ahahaha!” (Dylan)

“Waaahhh! Kailangan nyo pa bang ulit – ulitin yun? Bingi na ako…” (Matt)

“Sorry, ngayon lang ako… ako na lang ba ang hinihintay?” (Mandy)

“Hindi naman bestfriend… as usual, si Erik nanaman ang hinihintay… sanay na akong nalelate yun… Hay, kailangan bang kasama kami ni Mandy sa vacation getaway ninyo?” (Mich)

“Oo naman, parte na kayo ng barkada namin… at tsaka hindi ka naman namin pinilit na sumama ah… okay lang na si Mandy ang kasama.” (Gerwin)

“At ano, iiwan ko ang bestfriend ko sa inyo?... no way, baka kung anong gawin nyo sa kanya…” (Mich)

“Grabe ka naman Mich, mukha ba kaming hindi mapagkakatiwalaan?” (Matt)

“Oo, especially ang mukha mo.” (Mich)

“Speaking of the Erik payatot… nandyan na sya oh.” (Jason)

“Yow… pasensya na kung ngayon lang ako… nahirapan kasi akong mag – ayos na gamit ko.” (Erik)

“Pasalamat ka at hinintay ka namin Erik… kung hindi lang ikaw ang may dala ng coaster, iniwanan ka na namin.” (Dylan)

“Naku, buti na lang… so, sakay na tayo sa coaster.” (Erik)

Hindi nagtagal at umalis na din sila.

“Ang saya naman, sama – sama tayo sa iisang sasakayan. Bakit mo hindi dala ang kotse mo Jason? Di ba pupunta ka sa resort mo?” (Erik)

Hate Me or Love Me? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon