Mandy's POV
“Okay it’s a deal…So, ilang araw ‘to?” sabi nya sa akin habang shoot ng bola sa net. Tss, pasikat.
“Ilang araw?”
“Oo, hindi mo naman agad matutunan ang lahat sa loob ng ilang minuto… common sense naman.”
“Siguro ngayon at bukas.”
“Okay, simulan na natin… ano ba ang gusto mong unahin?”
“Gusto kong matutong mag-shoot.” yung kagaya ng shoot nya kanina.
“Mag-shoot agad? Dribbling muna.”
“Ano ba, yun ang gusto ko.”
“Opo madam… para ka namang bata……ganito ang paghawak ng bola…”
“Ganito ba?” ginaya ko ang ginawa nya…
“Hindi ganyan.” Pumunta sya sa likod ko at…
“Hoy! Wag mo nga akong yakapin, Manyak!” pinalo-palo ko sya.
“Ano ka ba! manyak ka dyan… hindi kita type… kasi naman,mali yung ginagawa mo kanina, ganito yun.”
Ah, inaalalayan lang pala… Malay ko ba, akala ko niyakap na ako…
Pagkatapos nyang ayusin…
“Ayan, sige ishoot mo na.”
(…………………………Shoot!)
“Yes, nagawa ko! Yehey!”
Tapos……
Niyakap ko sya!
Pati ako nabigla sa ginawa ko…baka sa sobra ko lang tuwa… oo, yun nga… sa sobra kong tuwa….
“Isang shoot lang, tuwang – tuwa ka na.”
Bigla ko namang tinanggal ang pagkayakap ko sa kanya… Ito talaga, pampasira ng moment.
Pagkatapos nun, ayun tuloy – tuloy na ang pagtuturo nya sa akin. Ang hirap naman ng mga pinagagawa nya sa akin, nakakainis na nakakatuwa… pero para sa mataas na grade, kakayanin ko ‘to..
Saka lang namin nalaman na 5:00 pm na nang pinaalis kami ni manong janitor sa gym… Napasarap kasi…
BINABASA MO ANG
Hate Me or Love Me? [Completed]
Teen Fiction[on editing process] Nang dahil sa isang simpleng kasalanan na ginawa ni Dylan kay Mandy noong elementary ito, malaki ang naipagbago nito (Mandy) nang muli silang nagkita nung college. Pagkatapos magkapatawaran ng dalawa, anong susunod na magyayari...