CHAPTER 44 (DYLAN THE STALKER?????? Part 2)

490 9 2
                                    

ito na po ang part 2... hindi ko sure kung magugustuhan nyo pero... sana magustuhan nyo haha :)

salamat sa mga naghintay (^_^)

------------------------------------------------------

“O Mandy, anong meron?” (Jason)

“Para kasing nakita ko si Dylan.” (Mandy)

“Dylan? Talaga?” (Jason)’               

“Hindi ko lang sure…. Naka-hoodie at shades… nung tumigin ako sa kanya, bigla na lang syang tumakbo palayo.” (Mandy)

“Baka naman kamukha lang nya…” (Jason)

“Baka nga.” (Mandy)

“Tara sa coffee shop… katulad ng sinabi ko kahapon, my treat.” (Jason)

***

“*hingal *hingal….. gra-be… muntikan na yun………. Namukhaan ba nya ako? Pero tinawag nya akong Dylan….. haist! Tama na… hindi ko na sila susundan… ang slow mo kasi Dylan… slow…makapunta ng coffee shop.” (Dylan)

***

Sa coffee shop…

“After nito, tara sa park… balita ko may binuksan dun na yung game wonderland.” (Jason)

“Game wonderland? Ano yun? Puro computer games?” (Mandy)

“Hindi… ang mga games dun ay yung mga basketball, dance revo…. Yung parang “Quantum” sa isang mall…” (Jason)

“Ah… yung may mga tokens… sige, game ako dyan…” (Mandy)

“Park… oo nga naman, masarap ngang pumunta sa park ngayon at tingnan yung game wonderland na yun.” (Dylan)

Ang coffee shop na pinuntahan ni Dylan ay ang coffee shop na pinuntahan din nina Jason. At magkatabi lang ang table nila. Magkatalikuran si Mandy at Dylan.

“Tell me something Mandy……. Ano yung mga qualities ko na gusto mo?” (Jason)

“A—“ (Mandy)

“*cough *cough” (Dylan)

Dahil sa pagka-ubo, napatingin si Mandy sa lalaking katalikuran nito.

“(bumalik ang tingin kay Jason) Mga gusto kong qualities mo?..... nasa sa’yo na kasi lahat…. Mabait, matalino, gwapo, gentleman……. Pangboyfriend material…” (Mandy)

“Talaga?” (Jason)

“Oo.” (Mandy)

“Tss… ayoko nang marinig pa ang usapan nila.” (Dylan - umalis)

“Ano ang ibig sabihin nun hah… type mo na ako noh.” (Jason)

“Alam mo Jason….. lahat naman ng babae magkakagusto sa’yo… kagaya nga ng sinabi ko kanina… nasayo na lahat…. Pero….” (Mandy)

“Pero kasi….. hindi kita type…” (Mandy)

“Ah…” (Jason)

“Hindi naman sa ayoko sa’yo… friend lang ang turing ko sa’yo… iba ang ideal man ko…” (Mandy)

“Nakilala mo na ba yung sinasabi mong ideal man?” (Jason)

“Hmmmm……ewan… baka… hindi ko pa masasabi… malay mo nandyan lang sa tabi – tabi… hindi muna ako magsasalita ng tapos.” (Mandy)

“Ah….may nagugustuhan ka na ba ngayon?” (Jason)

“………….. Ewan ko ba…. Unknown pa… hahaha…” (Mandy)

Hate Me or Love Me? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon