“Mich, tayo pa lang?” (Mandy)
“As usual… pa-VIP nanaman ang lima… first day of class this year, hindi pa rin sila nagbabago.” (Mich)
“Hi ladies..” (bati ni Jason mula sa likod)
“Jason?” (Mandy)
“Do you like my new hair color?” (Jason)
“Wow, mukha ka nang foreigner ah.” (Mich)
“Bagay sa’yo.” (Mandy)
“Talaga? Thanks, actually hindi lang ako ang may bagong hair color.” (Jason)
“Jason!!!” (Gerwin)
Tumakbo si Gerwin kay Jason, niyakap nila ang isa’t isa at sabay na tumalon.
“Pati ikaw?” (Mich kay Gerwin)
“Yup. Bagay di ba?” (Gerwin)
“Ewan.” (Mich)
“Hindi naman ikaw ang kinakausap ko. si Mandy ang kausap ko.” (Gerwin)
“Ako ba? Ahm… kahit anong kulay pa ng buhok mo Gerwin, gwapo ka pa rin.” (Mandy)
“Aw! The best ka talaga Mandy! Thank you.” (Gerwin)
***
“May lalaking papalapit sa atin na suot-suot ang regalo ni Melissa.” (Jason)
“Kasama nya din ang lalaking tuwang tuwa dahil wala na syang body guard… am I right?” (Mich)
“Pano mo nalaman na wala na akong bodyguard?” (Matt)
“Obvious naman di ba? At ang lakas ng radar mo hah, pakinig mo ako.” (Mich)
“Nakakulong na kasi yung taong papatay sana sa ama ko. Salamat pala Jason sa daddy mo. Pakisabi sa kanya na pumunta sa bahay bukas or the next day, alam na nya kung bakit.” (Matt)
“Sige, sasabihin ko.” (Jason)
***
“May bago this year… may lalaking papalapit na mukhang haggard.” (Gerwin)
“Pinagsama-samang puyat na pagod na gutom na problemado.” (Erik)
“O Dylan, pangit ata ang pagsalubong sa’yo ng bagong taon.” (Matt)
“Pagod lang…kulang sa tulog.” (Dylan)
“Bakit naman?” (Gerwin)
“Mahabang istorya… Pustahan, hanggang this year lang ang mga kulay nyo sa buhok nyo… pwedeng magsawa kayo dyan kaya papalitan nyo yan o kaya ibabalik sa dati ang kulay ng buhok nyo.” (Dylan kay Gerwin at Jason)
“Pano mo nalaman?” (Gerwin)
“Yan ang epekto ng pagiging haggard.” (Jason)
“Manghuhula na din pala ang taong ito.” (Erik)
“Balita ko, buntis na ang ate mo.” (Matt)
“Si doktora buntis na?” (Mich)
“Talaga? Wow…” (Mandy)
“Oo, isa yun sa dahilan kung bakit ako kulang sa tulog. Wala kasi ang asawa nya, nasa Spain may business trip… akalain nyo gabi at madaling araw ginigising ako, kung anu-ano ang hinnihingi. Minsan kailangan ko pang lumabas para bilhin” (Dylan)
“Eh bakit hindi yung mga katulong ang utusan?” (Matt)
“Madalas kasi tulog na ang lahat, at baka daw maistorbo ang mga yun sa pagtulog. Since magkatabi lang kami ng kwarto, ako lagi ang inaabala. Ako naman ang naiistorbo. Kainis…” (Dylan)
Kinuha ni Dylan ang isang regalo sa kanyang bag.
“O, pasasalamat sa regalo mo sa akin noong Christmas.” (binigay ni Dylan ang regalo nya kay Mandy)
“Naku, hindi mo na kailangang bigyan ako ng regalo.pero thanks.” (Mandy)
“Dala mo ba ang research natin sa major subject Mandy?” (Mich)
“Ala! Hindi.” (Mandy)
“Sabi ko na nga ba… ang liit kasi ng dala mong bag.” (Mich)
“Ginagawa ko kasi yun kagabi, tapos… hindi ko nakuha sa study table ko.” (Mandy)
***
“Ate Mandz!” (Jaslyn – papalapit kina Mandy)
“Jaslyn? Bakit ka nandito?” (Mandy)
“Buti na lang pinapasok ako ng guard dito… nakalimutan mo ito, di ba ngayon ang submission nito.” (Jaslyn)
“Thank you Jalsyn! You’re my savior!” (Mandy – niyakap si Jaslyn)
“Buti na lang nandyan si Jaslyn.” (Mich)
“Dalagang – dalaga ka na Jaslyn ah.” (Erik)
“Ang laki na nga ng pinagbago mo.” (Jason)
“Talaga? Hindi ko kasi napapansin na may nagbabago sa akin, kaya nagre-rely na lang ako sa sinasabi ng iba.hehe.” (Jaslyn)
“May boyfriend ka na ba ngayon?” (Erik)
Napatingin si Dylan kay Jaslyn nang dahil sa sinabi ni Erik.
“Ano kasi…” (Jaslyn sabay kamot sa ulo)
“Tara na.” (Dylan)
“Dylan wait!” (Jaslyn)
“Bakit? Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. baka ma-late ako sa first subject ko.” (Dylan)
“Pwede ba tayong mag-usap bukas…please, pagbigyan mo na ako. Kausapin mo lang ako bukas, after that… iwasan mo na ako ulit.” (Jaslyn)
“Sige, pagbibigyan kita. Pumunta ka na lang dito bukas, 3pm ang dismissal ko.” (Dylan – umalis)
BINABASA MO ANG
Hate Me or Love Me? [Completed]
Novela Juvenil[on editing process] Nang dahil sa isang simpleng kasalanan na ginawa ni Dylan kay Mandy noong elementary ito, malaki ang naipagbago nito (Mandy) nang muli silang nagkita nung college. Pagkatapos magkapatawaran ng dalawa, anong susunod na magyayari...